Plantita-inspired na pagrampa ni Heart Evangelista sa Paris, kinaaliwan ng netizens!

Plantita-inspired na pagrampa ni Heart Evangelista sa Paris, kinaaliwan ng netizens!

Tunay nga na ibang level ang talento nating mga Pinoy ngunit tila’y walang makakatalo sa pagiging magaling natin sa kalokohan at tila’y ang pinakabagong biktima lang naman nito ay si Heart Evangelista dahil sa kanyang plantita-inspired na pagrampa sa Paris!

Credit: @iamhearte Instagram

Noong p@ndemic, marami talaga sa atin ay naging plantita. May iilan pa nga na nakahiligan ang pangongolekta ng iba’t-ibang mga halaman. Isa na nga sa mga ito ay si Heart Evangelista. Sa pagkakakilanlan ng aktres bilang ang fashion icon ng Pinas, marami talaga ang napatanong sa maaaring mangyari kapag nag-meet na ang plantita at fashionista side ni Heart.

Kasalukuyan ngayong nasa Paris si Heart para sa papalapit na fashion week. Bagama’t abala sa paghahanda lalo na’t kakalipat lamang niya sa kanyang apartment ay sinisigurado lang naman niyang napagtutuuna pa rin niya ng atensyon ang kanyang plantita duties.

Sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram kumakailan lamang, makikitang nakasuot siya ng leather jacket at flare na jeans habang naglalakad sa busy streets ng Paris na may dala-dala pang malaking potted na halaman na tila’y isang palmera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Bagama’t naka-messy bun ang buhok at konting makeup lamang ang gamit plus may bitbit pa na halaman ay nananatili pa rin siyang classy!

Sa pagpatok at pagbenta ng kanyang mga larawan sa netizens, marami talaga sa kanila ang bumilib at naaliw. May iilan pa nga na nagpahayag ng kanilang kakulitan at gumawa ng memes.

“Yung inutusan ka ng nanay mo na kunin yung binigay na halaman ng kapitbahay nyo pero kailangan maging fashionable at maganda”

Credit: @iamhearte Instagram

“Yung nagpaalam ka humingi ng dahon lang Tapos binitbit mo buong halaman😂char! cute nyo po😍”

“ibalik mo ang nawawalang halaman ng kapitbahay namin”

“pag si heart nagbitbit sosyal, pag ako iski kargador ang peg, saan ang hustisyaaa😅”

“POV: Friend ng nanay mo na galing sa bahay niyo. HAHAHAH Pretty niyo pooooo😍”

Credit: @iamhearte Instagram

“Sabi ng mama mo kunin mo daw yung halaman kay tita… Pero ikaw na fashionista..❤”

Marahil ay simple lamang ang ginawa ni Heart pero binigyan lang naman niya ng kakaibang dating ang pagbibitbit ng halaman. Dapat fashionable at may poise!

Kaya ano pa ang hinihintay mo? Sabayan mo na ng pagiging fashionista ang passion mo sa pangongolekta ng mga halaman!

Ysha Red

error: Content is protected !!