Pokwang, naging emosyonal nang alalahanin ang mga nangyari sa kanyang yumaong panganay na anak na si Shin

Pokwang, naging emosyonal nang alalahanin ang mga nangyari sa kanyang yumaong panganay na anak na si Shin

Karamihan sa atin ay minsan nang sinubok ng panahon kung saan ay nakararamdam tayo ng nakakatakot na posibilidad na maaring hindi na tayo muling makararanas ng kasiyahan sa buhay dahil sa malagim nating pinagdaanan ngunit marami pa rin ang pumipili na magpatuloy sa buhay at umaasang aahon din tayo mula sa lahat ng problema.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Kahusayan sa pag-arte at pagbibigay ng ngiti at katatawanan sa mga manonood ang sumisimbolo sa imahe ni Pokwang sa industriya ng showbiz. Talagang bumibenta sa publiko ang bawat pelikulang pinagbibidahan ng aktres dahil hindi lamang niya naipapakita kung gaano siya kahusay sa larangan ng pag-arte dahil kayang-kaya rin niyang makapagbigay ng good vibes. Talagang full-package ang aktres sa tuwing bumibida sa harap ng kamera dahilan kung bakit palagi niyang nakukuha ang atensyon ng netizens.

Ngunit sa likod ipinapakitang masayang ngiti at tawa ni Pokwang ay ang kanyang nakakalungkot na kuwento tungkol sa madilim na panahon ng kanyang buhay.

Sa isang interview kasama si Ogie Diaz, muling binalikan ni Pokwang ang kanyang buhay noong hindi pa lamang niya pinasok ang mundo ng showbiz kung saan ay isa pa lamang siyang OFW sa Abu Dhabi.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Mahirap ang buhay sa Pilipinas kaya napilitan si Pokwang na iwan ang kanyang limang taong gulang na anak sa piling ng kanyang mga magulang at nagtrabaho sa ibang bansa upang masuportahan ang pamilya ngunit maliban sa mga hinarap niyang problema habang nasa abroad, hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataon na maalagaan ang kanyang anak na si Shin habang may sak!t ito.

Dahil dito, hindi napigilan ni Pokwang na tanungin ang sarili at magtaka kung saan at paano umano siya nagkulang bilang isang ina at labis ang pagsisisi kung naging pabaya man siya noong ipinagbubuntis pa lamang niya ang anak.

Ang mas mas@kit pa dito ay hindi pa nakauwi si Pokwang sa huling mga sandali ng anak hanggang nailib!ng ito dahil na rin sa kahirapan at sarili niyang struggle habang nasa ibang bansa.

“Sabi ng nanay ko, ‘huwag ka na lang umuwi kasi kailangan natin mapal!bing ‘yung anak mo. Kasi ‘yung perang iuuwi mo, ipadala mo na lang dito para may disenteng libing iyong anak mo,” emosyonal na sabi ni Pokwang.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Dagdag pa ni Pokwang, “Hindi ako nakauwi pero ang sama-sama ng loob ko kasi gustong-gusto ko siya masamahan sa huling oras, huling araw niya kasi sabi nga ng kapatid ko, tinatawag nga ‘yung pangalan ko.”

Nang natapos ang kontrata ni Pokwang, kaagad siyang umuwi sa Pilipinas at dumiretso sa sementeryo kung saan nakalib!ng ang kanyang anak.

Maraming taon naman ang lumipas, sariwa pa rin kay Pokwang ang alaala ng kanyang yumaong anak at bilang isang ina, buhay na buhay pa rin ang kanyang pagmamahal para kay Shin.

Ysha Red

error: Content is protected !!