Princess Punzalan, matagumpay na napagsasabay ang pagiging aktres at pagiging nurse sa Amerika

Princess Punzalan, matagumpay na napagsasabay ang pagiging aktres at pagiging nurse sa Amerika

Hindi lahat ng superhero ay nagsusuot ng kapa dahil kadalasan, ang bayani sa ating buhay ay ang ating mga dakilang ina na walang ibang hangad kung hindi ay mabigyan ang kanilang pamilya ng masagana at maayos na buhay.

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube

Simula nang ginampanan ni Princess Punzalan ang karakter ni Selina Matias sa teleseryeng “Mula sa Puso” na siyang kontrabida sa kabuuang kuwento, marami ang mga taong humanga sa kanyang husay at galing sa pag-arte. Sa mahabang panahon na pananatili niya sa lokal na industriya ng showbiz, marami talagang natanggap na projects at opportunities ang aktres kung saan ay mas napatunayan pa niya ang kanyang kahusayan sa larangan ng pag-arte.

Of course, hindi naman forever ang pag-aartista dahil sa paglipas ng mga taon na pananatili sa industriya, marami sa celebrities ang nagkakaroon ng realization sa buhay o hindi kaya’y nag-iiba ang kanilang perspective sa daan na gustong tahakin katulad na lamang ni Princess na gustong i-pursue ang buhay sa labas ng showbiz.

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube

Kahit nasa USA naman, patuloy pa rin si Princess sa pag-aartista ngunit hindi na invested ang lahat ng kanyang oras at atensyon sa larangan ng pag-arte dahil sa kanyang Momshie duties, responsibilidad bilang asawa at pagiging nurse.

Kung noon ay dependent sa mga katulong sa lahat ng gawain sa bahay si Princess, ngayon naman ay solo niya ang lahat mula sa pag-aalaga sa kanyang anak, pagro-grocery, pagluluto, paglilinis ng bahay plus ang pagpasok pa niya sa opisina at personal na pagpunta sa appointments ng kanyang patients araw-araw.

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube

Maliban sa kanyang Mommy duties at trabaho bilang isang nurse, patuloy pa rin sa pag-aartista si Princess. Madalas din siyang nagme-mentor sa workshops kung saan ay tinuturuan niyang i-improve ang acting skills ng kanyang students.

Ipinagkumpara rin ni Princess ang pamamaraan at style ng pag-arte sa USA at Pilipinas dahil ayon sa aktres, mas mataas umano ang standard abroad dahil sa magkakaibang “market” kaya mas challenging para sa kanya ang pagpasok sa mundo ng showbiz doon dahil talagang nagsimula umano siya sa pinakailalim.

Ayon kay Princess, hindi stable ang gigs niya sa Amerika bilang isang artista kaya talagang ipinagpapatuloy niya ang trabaho niya bilang isang nurse.

“Hindi stable ang pag-aartista lalo na dito sa America kaya kailangan kong i-keep din ang nursing and besides that, fulfilled ako sa parehong trabaho,” ayon kay Princess.

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube

Busy at pagod man sa bawat araw, aminado naman si Princess Punzalan na masaya at contented siya ngayon sa kanyang buhay abroad kasama ang pamilya.

Ysha Red

error: Content is protected !!