Property ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Las Vegas, ipinasilip sa unang pagkakataon!

Pagmamahal at katapatan talaga ang nagpapatibay sa isang relationship pero sa paglipas ng mga panahon ay tila’y nag-eevolve din ang kanilang mindset lalong-lalo na pagdating sa practical na mga bagay katulad na lamang ng pangmalakasang Kapuso couple na si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo dahil naka-sort lang naman ang kanilang priorities sa buhay.
Credit: @mercadojenny Instagram
Hindi lamang kilig ang hinahanap ng isang tao lalo na sa long-term na relationship dahil katulad ng pagbibigay at pagpaparamdam ng pagmamahal ay nakapagtitibay din ang pagkakaroon ng plano at goals. Hindi lamang partner sa pag-ibig kundi ay pati na rin sa bawat aspeto ng buhay.
Parehong bigating artista si Jennylyn at Dennis at sa maraming taon nilang pamamalagi sa showbiz, pareho talaga ang perspective nila at magkakatulad din ang kanilang priorities sa buhay. Noong mga panahong hinihintay pa nilang isakatuparan ni Lord ang kahilingan nilang magkaroon ng anak, labis talaga ang paghahanda na ginawa ng couple dahil sa nakalipas na dalawang taon ay abala lang naman sila sa pagbili ng properties. Isa na nga sa wais nilang venture ay ang nabili nilang bahay sa Las Vegas!
Credit: @mercadojenny Instagram
Ayon sa manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, dalawang taon na umano ang nakalilipas simula nang nabili ng couple ang bahay nila sa Las Vegas Valley sa Southern Nevada pero nito lamang November ito nai-turn over sa kanila.
“It’s a big and nice house,” sabi ni Aguila. “Mas bongga ang bahay ni Jen. Mas expensive.”
Credit: @mercadojenny Instagram
Dagdag pa ni Aguila, sobrang ganda pa umano ng view ng bahay ni Jennylyn at Dennis sa Las Vegas dahil kitang-kita lang naman nila ang Red Rock Canyon.
Sa litratong ibinahagi ng aktres sa kanyang IG story kumakailan lamang, makikita ang two-storey nilang bahay na may malaking garage. Ito ang pinakaunang pagkakataon na ipinasilip ni Jennylyn ang property nila sa Las Vegas kaya sobrang proud talaga ang fans ng couple sa milestone nilang ito.
Credit: @mercadojenny Instagram
Ngayong break muna sa showbiz upang matutukan si baby Dylan, kasalukuyan ngayong nasa US si Jennylyn at ang baby girl nila ni Dennis. Ngayong malapit nang matapos ang sikat na teleseryeng pinagbibidahan ng aktor na “Maria Clara at Ibarra,” sa wakas ay nakasama na ni Dennis ang kanyang mag-ina kaya sobrang perfect talaga ng timing sa turn over ng kanilang bahay sa Las Vegas.
Sa ngayon, mayroon ding “mountain hideaway” si Jennylyn sa Rizal na ipinasilip niya kumakailan lamang sa kanyang Youtube vlog pero ang bahay pa yata nila ni Dennis sa Las Vegas ang pinakabongga nilang property sa ibang bansa maliban sa iba pa nilang investments.