Proud ang aktres na si Dionne Monsanto na nagkakahalaga lamang ng P300 ang kanyang sinuot na wedding gown

Proud ang aktres na si Dionne Monsanto na nagkakahalaga lamang ng P300 ang kanyang sinuot na wedding gown

“Pinoy Big Brother” alumna na si Dionne Monsanto ay ikinasal sa kanyang fiancé na si Ryan Stalder sa Switzerland ngayong taon.

Credit: @dionne Instagram

Ibinahagi niya ang ilan sa mga larawan ng kanilang espesyal na araw sa kanyang Instagram stories at kumakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan ng kanyang wedding cakes sa Instagram na pinusuan ng kanyang fans at inulan ng pagbati na galing sa mga kapwa celebrity.

Buwan ng Pebrero ngayong taon ay nag-anunsyo si Dionne na magreretiro na siya sa pagiging artista para magpuntang Switzerland upang makasama ng tuluyan ang fiancé na si Ryan.

Credit: @dionne Instagram

Marami ang nalungkot, lalo na ang kanyang mga tagahanga sa katotohanang hindi na muling makikita si Dionne sa TV at umaarte. Sa kabila nito ay naging masaya pa rin ang mga tagahanga ni Dionne dahil makikita sa mga post ng aktres kung gaano ito kasaya sa ibang bansa sa piling ng kanyang fiancé.

Mas lalong nakilala ng karamihan at lumago ang reputasyon ni Dionne sa industriya ng showbiz nang gumanap siya bilang isa sa mga mahahalagang karakter sa teleserye na Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Credit: @dionne Instagram

Matapos ang mahigit isang buwan na pamamalagi sa Switzerland kasama ang fiancé ay nagpakasal ang dalawa noong Marso. Nagkaroon lamang sila ng int!mate at minimalist wedding. Hindi man engrande ang kanilang kasal pero elegante naman ito ayon sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram.

Marami ang nabighani sa ganda ng isinuot na wedding dress ni Dionne pero marami ang nagulat nang ireveal ni Dionne na P300 lamang ang wedding dress na kanyang sinuot.

Credit: @dionne Instagram

Ayon sa aktres ay ang long skirt na kanyang sinuot ay ibinigay lamang ng kanyang kapatid noong nakaraang taon habang ang corset top naman niya ay nabili lamang niya sa online shop noong nasa Pilipinas pa siya. Inireveal ni Dionne na nabili niya ang corset top sa mababang halaga lang.

Credit: @dionne Instagram

“I spent 300 pesos on my wedding dress! The bottom part of my dress is my something old. It was a thoughtful gift from my sister a year ago. The corset top is something I bought from an online shop in the Philippines for less than Php 300 (6 CHF),” sabi ni Dionne sa kanyang Instagram na ikinagulat ng marami.

Ayon pa kay Dionne ay napagtanto niyang hindi naman kailangang magkaroon ng mamahalin at maraming bagay upang maging masaya sa buhay.

Credit: @dionne Instagram

“As I’ve gotten older, I realize more and more that things are just things. That I don’t need a lot to be happy. That love & respect from people I love are more important than any material possession,” dagdag ni Dionne.

Ysha Red

error: Content is protected !!