Public announcement ng kasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, pinag-usapan ng marami sa social media!

Umagaw ng maraming atensyon sa social media ang wedding banns nina Kapuso engaged couple Carla Abellana at Tom Rodriguez na ibinahagi kamakailan lamang ng isang simbahan sa kanilang Facebook page.
Sa isang Facebook page na Parokya ni San Guillermo sa Talisay, kabilang ang wedding banns nina Carla at Tom sa maraming wedding banns na kanilang ipinost.
Credit: @carlaangeline Instagram
Nakasulat sa kanilang wedding banns ang totoong pangalan nina Carla at Tom. Bukod sa kanilang mga pangalan, nakasulat din ang mga pangalan ng kanilang mga magulang pati na rin ang ilang mga detalye ng kanilang inaabangang kasal.
Credit: @carlaangeline Instagram
Base sa mababasa sa kanilang wedding banns, ang kasal nina Carla at Tom ay gaganapin sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands sa darating na Oktubre 23.
Samantala, matapos makakuha ng maraming atensyon ang kanilang wedding banns, naglabas si Carla ng isang opisyal na pahayag sa pamamagitan ng isang Instagram story update upang ipaliwanag sa iba kung ano ang isang wedding banns.
Sa kanyang Instagram story, sinabi ni Carla, “Hello everyone! A WEDDING BANN is a Church requirement for Catholics getting married.”
Credit: @SanGuillermoParish Facebook
Dagdag niya, “In any and all Catholic Churches in the Philippines. It is a necessary step to be able to secure a Wedding Permit…”
Matapos lumabas ng kanilang wedding banns, bumaha naman ang pagbati para kina Carla at Tom mula sa kanilang mga tagahanga.
Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa paparating na kasal nina Carla at Tom. Komento nila:
“Congrats sa inyong dalawa mga lodi. gustong gusto ko talaga ang love team nila grabe sobrang ganda ni Carla at mabait pa gwapo ni Tom perfect combination”
Credit: @carlaangeline Instagram
“Congrats Mr. and mrs. tom and carla and best wishes po”
“CONGRATS and let the Lord be the center of your relationship”
Inanunsyo nina Carla at Tom ang kanilang engagement noong Marso. Sinundan naman kaagad nila ito ng isang vlog kung saan ay ibinunyag nila na Oktubre noong nakaraang taon pa sila na-engage. Sina Carla at Tom ay nagsimula bilang love team sa Kapuso drama serye na ‘My Husband’s Lover’ noong 2013. Gayunpaman, nagsimula ang kanilang relasyon noong 2014.