Regine Velasquez, emosyonal na ikwinento kung gaano siya ka-guilty sa naging relasyon nila noon ni Ogie Alcasid

Lahat ng love story ay iba-ibang kwento ng pagsisimula at pagtatapos at sa isang episode ng Magandang Buhay ay emosyonal na binalikan ni Regine Velasquez kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Ogie Alcasid bago sila ikinasal.
Credit: @reginevalcasid Instagram
Nagumpisa umano sila Regine at Ogie bilang good friends. Noong panahon na iyon ay kasal pa si Ogie sa beauty queen na si Michelle Van Eimeren at mayroon silang dalawang babaeng anak. Sa hindi umano inaasahan na pagkakataon ay nahulog ang loob ni Regine kay Ogie pero noong panahon na iyon ay hindi alam ni Regine ang nangyayari sa marriage life ni Ogie.
“My husband and I started that way. Pero ‘yun kasi we were good friends. Hindi ko naman talaga sinasadya. Kasi puwede talagang mangyari. Kagaya nga nang sinabi, hindi mo pinipili ang mamahalin mo.”
Sobra umanong na-guilty si Regine sa naging pagsisimula ng relasyon nila ni Ogie dahil naging daan ito para mas@ktan ang dalawang anak ni Ogie at Michelle.
“For a while, I have to say, I had to live with that guilt. Like I was living in that guilt and my husband would say, ‘It was not about you. It was about me and Michelle.’ But even then, I was there. I was part of it. I was the ‘third party.’”
Credit: @reginevalcasid Instagram
Kahit umano noong napatawad na ni Michelle ay hindi pa rin napapatawad ni Regine ang kanyang sarili dahil sa naging epekto ng kanyang nagawa sa mga anak ni Ogie.
Sinabi ni Regine na kalaunan ay napatawad na rin niya ang kanyang sarili at kapag nagiguity siya ay inaalala niya na iba na ang sitwasyon nila ngayon ni Ogie at siya na ngayon ang asawa ng singer-songwriter.
Credit: @reginevalcasid Instagram
“Pero ang iniisip ko na lang hindi na ganun ‘yung sitwasyon, ako na ang asawa niya. I am not outside anymore, I’m his family now.”
Sa show ay nagbigay din ng payo si Regine sa mga “third party”, “I guess doon sa mga ‘yung mga nagiging third party, of course we know what’s right and what’s wrong but sometimes when you are in that situation pipiliin mong huwag tingnan ang mali, pipiliin mo lang tingnan ‘yung puso mo.”
Credit: @reginevalcasid Instagram
Dagdag ni Regine, “You need to give importance to yourself. You need to love yourself and you need to decide. …Lagi mo dapat pipiliin ang sarili mo. Alam ko pinipili mo ang sarili mo that’s why you are in that situation but actually no, you are not choosing yourself when you are in that situation, akala mo lang.”