Regine Velasquez, pumalag sa gumawa ng kanilang karaoke machine matapos siyang makakuha ng mababang score nang kantahin niya ang kanyang sariling kanta

Tahanan ng mga mahuhusay na mang-aawit ang Pilipinas. At isa sa mga itinuturing nating Pinoy pride sa larangan ng pagkanta ay ang binansagang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez.
Credit: @reginevalcasid Instagram
Hindi magpapahuli pagdating sa kantahan at biritan ang Kapamilya singer-actress. Ngunit kamakailan lamang ay hindi sa concert stage ipinamalas ni Regine ang kanyang galing sa pagkanta kundi sa karaoke session nila ng kanyang pamilya.
Noong October 16 ay ibinahagi ni Regine sa kanyang Instagram account ang isang video kung saan masaya siyang nagka-karaoke kasama ang kanyang kapatid na si Jojo. Maririnig sa video na ang sarili niya mismong kanta na “Forever” ang kinakanta nila ng kanyang kapatid sa karaoke machine. Matatandaang si Regine at ang OPM icon na si Martin Nievera ang kumanta ng “Forever” na unang napakinggan ng marami noong 1998.
Credit: @reginevalcasid Instagram
Pero ang sana’y proud moment para kay Regine sa isiping makakakuha siya ng perfect score dahil siya mismo ang kumanta sa kanilang kinanta ay nauwi sa katatawanan. Paano ba naman kasi pagkatapos niyang kumanta ay 80 lang ang nakuha niyang score. Hindi nga makapaniwala si Regine sa nakuha niyang score nang kantahin niya ang kanta nila ni Martin Nievera.
Giit pa ni Regine, dinadaya siya ng karaoke machine dahil sobrang baba ng nakuha niyang score. Pumalag si Regine at sinabing kakausapin niya ang gumawa ng karaoke machine dahil sa ibinigay nitong score sa kanya.
Credit: @reginevalcasid Instagram
“Karaoke with my family. So kinanta ko yung SONG KO tapos ito lang eh!!!!!!ako nga kumanta nya!!!! Parang kailangan ko kausapin yung gumawa nito may daya eh 😂😂😂😂 @jovelasquezig” pahayag ni Regine sa Instagram.
Sa huli, umani ng maraming reaksyon mula sa netizens ang viral post ni Regine tungkol sa mababang score na nakuha niya nang kantahin niya ang kanyang sariling awitin. Narito ang komento ng netizens:
“nadaya pa nga! 80 x 80 talaga yan ate hahahha”
Credit: @reginevalcasid Instagram
“Ms. Reg, yung videoke nyo po need munang abisuhan na IKAW si Regine V. Maling-mali yung score”
“kalerkey madam reg…may topak ang video-ke nio! Pag paliwanagin yan sa barangay! That is unacceptable!”
“may sira po ung karaoke, grabe ung score”
Credit: @reginevalcasid Instagram
“Hahahaha why naman 80 lang yung original singer?”