Rhian Ramos, pina-w0w ang netizens sa kanyang mga letrato ng pagrampa sa kalye ng Paris!

Rhian Ramos, pina-w0w ang netizens sa kanyang mga letrato ng pagrampa sa kalye ng Paris!

Hindi naman talaga maitatanggi na mahilig ang karamihan sa pagkuha ng mga litrato. Sobrang effort talaga ang ibinibigay upang ma-achieve ang aesthetic na mga larawan pero pagdating sa aktres na si Rhian Ramos, bakit napaka-effortless naman ng mga magagandang larawan niya sa sarili?

Credit: @whianwamos Instagram

Kumakailan lamang nang lumipad papuntang Paris, France ang sikat na aktres na si Rhian Ramos kasama sina Vicki Belo at Hayden Kho. Of course, kasama rin sa kanilang trip ang anak nila na si baby Scarlet Snow. Ang lugar na Paris ay sikat na sikat bilang “City of Lights”. Napakaganda naman talaga ng Paris. Mula sa buildings hanggang sa streets ay hindi maitatanggi na nagbibigay ang lugar ng “aesthetic vibe”.

Maulan at masama man ang panahon ay hindi ito naging hadlang para kay Rhian na makakuha ng magagandang pictures sa sarili.

Credit: @whianwamos Instagram

Nagbahagi si Rhian sa kanyang Instagram account ng tatlong candid shots kung saan ay makikitang naglalakad siya sa basang daan ng Paris. Bilang proteksyon sa ulan ay ginawang panangga ni Rhian ang kanyang coat na nagsilbi bilang payong niya.

“Rainy day in Paris,” caption ng aktres.

Credit: @whianwamos Instagram

Sa simpleng suot na itim na sleeveless, black pants, at boots ay sobrang lakas ng dating ni Rhian.

Umani ng maraming likes at inulan din ng positibong komento ang mismong post ni Rhian sa Instagram.

Credit: @whianwamos Instagram

Si Rhian ang napiling modelo ng kompanyang Belo Essentials. Sa kadahilanang gustong ma-achieve ng kompanya ang bagong layout para sa kanilang clinic ay binisita ni Rhian at Vicki Belo kasama ang kanyang pamilya ang lugar ng Paris, France para sa gagawing pictorial.

Credit: @whianwamos Instagram

Hindi na naman bago ang pangalang Rhian Ramos sa industriya ng showbiz. Bukod sa pagiging aktres at modelo ay isa rin siyang mahusay na singer at race car driver. Dahil sa matagumpay na karera ni Rhian sa edad na 30 ay hindi naman maipagkakaila na isa siya ngayon sa mga kilalang personalidad sa showbusiness.

Ysha Red

error: Content is protected !!