Rica Peralejo, nagbahagi ng isang incredible na insight para sa kapwa niya parents!

Rica Peralejo, nagbahagi ng isang incredible na insight para sa kapwa niya parents!

Wala namang isang perfect na magulang dahil normal lang talaga na magkamali lalo na kapag anak ang pinag-uusapan kaya importante talaga ang constant na paghahanap ng improvement, matuto ng effective na techniques, at makatanggap ng makabuluhang advices mula sa kapwa parents.

Credit: @ricaperalejo Instagram

Sa pag-quit ni Rica Peralejo sa kanyang career bilang isang artista, hindi naman pinagsisihan ng dating aktres ang desisyon niyang ito dahil ngayon, aminado siyang mas nagkakaroon na siya ng oras sa sarili at sa kanyang pamilya. Ngayong hindi na siya abala sa paghabol sa kanyang hectic na schedule at pag-aasikaso sa kanyang sunod-sunod na projects, mas napagtutuunan na ng pansin ni Rica ang kanyang Momshie duties. Sa katunayan, mas nagiging wise lamang siya sa bawat taong lumilipas.

Sa recent na IG post ni Rica, ibinahagi niya ang kanyang realization at effective na pamamaraan upang mapatahan ang anak kapag umiiyak.

Ayon kay Momshie Rica, “Sometime ago I replaced “ssshh” with “I’m here.” Whenever my second born would cry in the middle of the night, I’d hold him close and say “I’m here.”

Credit: @ricaperalejo Instagram

Imbes na pilit na patahimikin ang anak, mas effective at assuring umano ang pagsabi ng “I’m here” dahil ang pag-iyak umano ng mga chikiting ay nagpapatunay lamang na kailangan nila ang kanilang parents.

“I stopped shushing him back to sleep because I learned that to be there for a person is more important than stopping him from crying. In fact the crying is not wrong but the crying warrants your presence. He needs you there more than he needs to stop crying,” pahayag ni Rica.

Pagbabahagi pa ng dating aktres, nais umano niyang ipagpatuloy ang pagsabi ng mga katagang “I’m here” dahil nagsisilbi rin itong inspiration upang hindi lamang basta-bastang mabuhay para sa sarili kung hindi ay para sa anak, sa pamilya, at para sa lahat ng mga mahal natin sa buhay.

Dahil sa incredible na realization na ito ni Rica, kaagad naman siyang pinaulanan ng papuri ng kapwa niya parents.

Credit: @ricaperalejo Instagram

“wonderful insights❤️,” praise ni Ryan Agoncillo.

“Awww mimi ❤️ thank you for this 🥹 palitan ko na din yung sshhhh ko,” sabi naman ni Camille Prats na sobrang na-convince insight ng kapwa niya Momshie.

“Oo nga naman…” Komento naman ni Princess Punzalan.

Sino ba kasi ang hindi makukumbinse na sobrang “on point” naman talaga ng suggestion at realization na ito ni Momshie Rica? Dahil sa pag-share niya sa kanyang insight, marami ngayon sa kapwa niya parents ang inspired na palitan ang “ssshh” ng “I’m here”.

Ysha Red

error: Content is protected !!