Rich Asuncion, buntis ulit; natupad ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay sa Australia!

Rich Asuncion, buntis ulit; natupad ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay sa Australia!

Parami na nang parami ang mga artistang piniling manirahan sa ibang bansa kasama ang kanilang pamilya.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Isa nga ang “StarStruck” alumna na si Rich Asuncion sa mga aktres na matapang na iniwan ang makinang na mundo ng showbiz para sa isang mas simple ngunit masayang buhay sa ibang bansa.

Matatandaan na noon lamang nakaraang taon nang permanente ng manirahan si Rich sa bansang Australia kasama ang kanyang Filipino-Australian na mister na si Benjamin Mudie at ang kanilang unica hija na si Bela.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Pinakasalan ni Rich si Benjamin na isang Rugby player noong 2018 sa Hong Kong.

Sa kabila naman ng paglisan ni Rich sa showbiz, bukas pa rin sa publiko ang ilang kaganapan sa kanyang buhay habang nakatira sa Australia dahil sa ibinabahagi niyang updates sa social media.

Kamakailan nga ay masayang ibinahagi ni Rich na siya ay nagdadalang-tao.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Sa isang Instagram post ay ibinida ni Rich ang lumalaki na niyang tiyan. Kalakip nito ang isang sonogram picture ng kanilang baby number 2.

Sa caption sinabi ni Rich, “Baby #2️ on the way! Here we go again @benjmudie #mudsquad.”

Kasabay naman ng pagdating ng kanilang new bundle of joy ay ang pagtupad nina Rich at Benjamin sa kanilang pangarap, ang magkaroon ng kanilang sariling bahay sa Australia.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Talagang panibagong achievement nina Rich at Benjamin ang pagkakaroon nila ng bagong bahay.

Kwento pa ni Rich, labis nilang pinaghirapan na mag-asawa na magkaroon sa wakas ng sarili nilang tahanan.

Aniya, “Finally, a house we can call our own…a dream come true for the #mudsquad!”

Credit: @richasuncionmudie Instagram

“Ben and I have never worked so hard( and fought so hard) in our time together. .but I have to give it to you Papa @benjmudie for being headstrong and focused on our goal. Like I said before, you are an excellent leader,” kwento pa niya.

Excited naman si Rich na gumawa ng masasayang alaala kasama ang kanyang lumalaking pamilya sa kanilang bagong bahay.

Saad pa niya, “Looking forward to making wonderful memories here with my growing family.”

Ysha Red

error: Content is protected !!