Rich Asuncion, nag-uumapaw ang saya ngayon sa buhay kapiling ang pamilya sa Australia at matapos lisanin ang showbiz

Rich Asuncion, nag-uumapaw ang saya ngayon sa buhay kapiling ang pamilya sa Australia at matapos lisanin ang showbiz

Hindi parte sa pagkatao ni Rich Asuncion ang pagpapalampas ng opportunities dahil talagang gina-grab niya ito hanggang sa dumating sa puntong hindi na niya kinakailangang maghanap pa dahil kusa na siyang nilalapitan ng mga ito!

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Ngayon na naninirahan na sa Australia kasama ang asawa na si Benjamin Mudie at ang kanilang anak na si baby Isabella Brie, talagang napansin ni Rich ang malaking pagkakaiba sa buhay niya sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Taong 2020 nang napagdesisyunan ng aktres na iwan ang showbiz kapalit ng simpleng pamumuhay sa Australia taliwas ng kanyang glamorosong buhay bilang isang aktres dito sa Pilipinas. Ngunit kailanman ay hindi ito pinagsisihan ni Rich dahil patuloy siya ngayong nakakahanap ng rason upang maging masaya.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Hunyo ngayong taon nang ibinunyag ni Rich sa social media na kasalukuyan siya ngayong nagtatrabaho bilang isang waitress sa Australia na talaga namang ikinagulat ng karamihan ngunit para sa aktres, isa itong malaking bagay na labis niyang ipinagpapasalamat.

“Malaking bagay to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya. Lalo pa at nag-adjust palang ako dito sa Australia,” sulat ni Rich sa kanyang caption.

Hindi naman ito ikinahihiya ng dating aktres dahil ayon sa kanya, “Nung una nahirapan ako tanggapin pero narealize ko ngayon, ano naman ang masama dun. Part pa rin naman sya ng Tourism course na kinuha ko sa UP. At wala akong karapatan maginarte kasi nabigyan ako ng panibagong chance to start anew.”

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Maliban sa kanyang trabaho ngayon bilang isang waitress sa Australia, nakatanggap din ng offer si Rich upang magtrabaho sa day-care center na pinapasukan ni baby Isabella o kung tawagin niya sa palayaw nitong “Bela”. Dahil dito, napagdesisyunan ng dating aktres na kumuha ng isang diploma course na Early Childhood and Care upang maging qualified sa offer na trabaho.

At nito lamang Lunes, November 29 nang muling nabigyan ng pagkakataon si Rich sa isang commercial sa Australia tungkol sa “Emergency Services Agency of the Australian Capital Territory” kung saan ay nakasama niya onscreen ang asawa’t anak.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

“Its such a special moment to be doing a commercial, as a family 😊,” saad ni Rich sa kanyang caption kalakip ng video ng ginawa niyang advertisement kasama ang pamilya.

Ayon kay Rich, ito umano ang pinakamagandang natanggap niyang opportunity sa larangan ng entertainment sa Australia.

Credit: @richasuncionmudie Instagram

Maliban sa napakaraming opportunities na natatanggap ni Rich simula nang lisanin ang Philippine showbiz at lumipat sa Australia, makikita at masasaksihan naman sa bawat update niya sa Instagram na masaya siya ngayon sa napiling buhay sa ibang bansa.

Ysha Red

error: Content is protected !!