Rita Daniela, handang-handa nang maging isang Mommy!

Rita Daniela, handang-handa nang maging isang Mommy!

Halos lahat ng bagay ay pinaghahandaan lalong-lalo na kapag sobrang importante nito ngunit may mga pagkakataon naman na kahit napakalaki ng impact nito sa ating buhay, nakakaramdam pa rin tayo ng takot at pangamba marahil ay hindi tayo ready na sumabak sa isang journey ngunit para kay Rita Daniela, itinuturing niyang napakalaking blessing ang kanyang magiging baby at kahit na’y mahaba-haba pa man ang panahon bago niya tuluyang makita at mahagkan ang anak, proud niyang ipinagsigawan sa mundo na handang-handa na siya maging isang Mommy!

Credit: @missritadaniela Instagram

Paano nga ba masasabi na dumadating ang isang blessing sa tamang panahon? May instances kasi sa buhay na kahit hindi natin hinihingi ay kusa itong dumadating ngunit tila’y instinct na natin ang nakakapagsabi na tamang-tama ang timing sa pagdating ng isang biyaya.

Blessing talaga para sa mga magulang ang pagkakaroon ng isang anak at hindi exception dito si Rita Daniel na matatandaang kumakailan lamang ay sinurpresa ang publiko sa rebelasyon niyang ipinagbubuntis niya ngayon ang unang anak sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Credit: @missritadaniela Instagram

Hindi lamang sa “All-Out Sundays” ipinahayag ni Rita ang nararamdaman niyang kasiyahan at excitement sa kanyang pregnancy dahil ibinahagi rin niya ang magandang balita sa Instagram kalakip ng kanyang mga larawan na nakahawak sa kanyang baby bump at ang resulta ng sonogram.

Sa kanyang caption, malaki ang pasasalamat ni Rita sa Panginoon sa natanggap niyang blessing at ipinangako sa magiging baby niya na gagawin niya ang lahat ng ikabubuti nito.

“My child, You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always,” pahayag ni Rita.

Credit: @missritadaniela Instagram

Dagdag pa ng aktres, “Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord.”

Kahit na’y medyo matatagalan pa, hindi na mailihim ni Rita ang kanyang excitement na ma-meet ang kanyang baby.

Ayon kay Rita, “I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.♡”

Credit: @missritadaniela Instagram

Tila’y nature na talaga para sa mga ina na magbigay ng pagmamahal na walang katumbas sa kanilang mga anak. Bagama’t first time man ito para kay Rita Daniela, malaki naman ang paniniwala ng kanyang “All-Out Sunday” co-hosts at fans na magiging isa siyang mabuti at dakilang Momshie.

Ysha Red

error: Content is protected !!