Rita Gaviola, inaming proud sa kanyang desisyon na maging isa nang mommy!

Hindi na talaga bago pa sa ating kaalaman na kaliwa’t kanan at hindi talaga nawawala ang paglilipana ng negatibong mga komento galing sa bashers sa mundo ng showbiz at bagama’t apektado man sa mga ito ang celebrities, nananatili pa rin silang matatag upang patunayan na deserve nila ang kanilang spot sa industriya.
Credit: @itsritagaviola Instagram
Target talaga ng bashers ang karamihan sa celebrities ngunit sa paglipas ng panahon, itinuturing na itong natural na occurrence sa industriya ng showbusiness at mas nagiging smart na ngayon ang celebrities sa pag-handle ng natatanggap nilang negatibong mga komento katulad na lamang ni Rita Gaviola na matapang na sinagot ang backlash ng netizens tungkol sa shocking niyang revelation kumakailan lamang.
Sa magkakasunod na post ni Rita Gaviola o mas kilala ng karamihan bilang si “Badjao Girl” sa Instagram, ibinahagi niyang isa na siyang ganap na Momshie sa anak nila ng kanyang non-showbiz na partner.
“Mahal ko kayo 🥰❤️,” sweet na pahayag ni Rita sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan kung saan ay makikitang kasama niya ang kanyang partner at ang kanilang napakacute na baby girl.
Credit: @itsritagaviola Instagram
Martes, August 9 nang ibinahagi naman ni Rita ang close-up na larawan ng kanyang chikiting na kaagad namang pinaulanan ng papuri ng netizens dahil sa mahabang pilikmata at matambok na pisngi nito.
Sa kabila ng kanyang magandang balita, marami pa rin ang nagpahayag ng kanilang negatibong mga komento kung saan ay karamihan sa mga ito ay nagpahayag ng kanilang disappointment.
Sa caption ni Momshie Rita kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan ng anak, may sagot siya sa lahat ng mga taong nagpaulan ng negative na mga komento.
Credit: @itsritagaviola Instagram
Ayon kay Rita, mas gugustuhin umano niyang siya na lamang ang makatanggap ng hindi kaaya-ayang mga salita at huwag lang daw idamay ang kanyang pinakamamahal na anak.
“Sabihan ninyo lang ako masasakit na salita kahit laitin niyo ako okay lang saakin Basta wag ninyo lang idamay ang anak ko tatanggapin ko lahat ng masasakit wag lang anak ko 🙏😇🙃,” saad ni Rita.
Bagama’t deleted naman ang extension sa pahayag ni Rita ngayon, marami pa rin ang nakabasa nito na nagsasabing, “Pero isa lang ang masasabi ko na proud ako kasi hindi ko ipinalaglag ang baby dahil lang sa kasikatan.”
Credit: @itsritagaviola Instagram
Kahit na’y marami man ngayon ang mayroong magkakaibang reaksyon sa revelation ni Rita Gaviola, firm naman ang desisyon niya na matapang at mabuti niyang gagampanan ang pagiging duties niya bilang isang Momshie.