Rodjun Cruz, nagpost ng throwback photo nila ni Rayver

Rodjun Cruz, nagpost ng throwback photo nila ni Rayver

Normal lang talaga para sa magkakapatid na mag-asaran at magkulitan dahil typically, sa paraan na ito natin naipapabatid ang ating pagmamahal ngunit tila’y kakaiba ang Cruz brothers dahil mula pa man noon hanggang ngayon, nananatili lang naman silang sweet sa isa’t-isa!

Credit: @rodjuncruz Instagram

Hindi lamang sa larangan ng pag-arte umiikot ang talento ng magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz dahil pareho rin silang mahusay sa pagkanta at pagsayaw dahilan kung bakit napaka-iconic ng kanilang duo sa mundo ng showbiz!

Kahit na’y pareho naman ngayong abala sa sarili nilang buhay, sinisigurado pa rin ng Cruz brothers na nakakapaglaan pa rin sila ng quality na oras sa isa’t-isa. Busy man sa kani-kanilang trabaho at araw-araw na schedule, nakakahanap pa rin ng paraan si Rodjun at Rayver na makapag-bonding at sa bawat panahong lumilipas, mas lalo lamang na tumatatag ang kanilang relationship bilang magkapatid.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Of course, hindi naman mawawala ang kanilang bardagulan moments pero mas nangingibabaw talaga ang mga pagkakataong sweet sila sa isa’t-isa katulad na lamang noong sumapit ang ika-33 na kaarawan ni Rayver nitong buwan ng Hulyo kung saan ay mayroong wholesome na mensahe ang kapatid niyang si Rodjun kalakip sa ibinahagi niyang throwback na larawan nilang dalawa kung saan ay makikitang nakahiga sa hita ni Rodjun si Rayver.

“Happy happy birthday King @rayvercruz!👑🎂🎉😘,” pagbati ni Rodjun sa kapatid.

Sabi pa ni Rodjun, kahit na’y mas matangkad at mas malaki na ngayon ang kapatid niya kumpara sa kanya, hindi pa rin magbabago ang katotohanang forever niyang “baby brother” si Rayver. Ang sweet naman ni Kuya!

Credit: @rodjuncruz Instagram

“Mas Malaki ka na sakin ngayon pero tandaan mo na you will always be my baby brother! I love you so much Ray. Know that Kuya RJ will always be here for you no matter what. You deserve all the Love & happiness in the world. Sobrang blessed Ka dahil Napakabuti mong tao at hindi ka nagbabago,” pahayag ni Rodjun.

Dagdag pa ng aktor, “Keep inspiring & may you continue to share your God-given talents to others. Enjoy your special day! Keep on shining King. All the way up! Let’s go!💯🤩God bless you always & in all ways.”

Credit: @rodjuncruz Instagram

Dati pa man, talagang hinahangaan na ng netizens ang relationship ng Cruz brothers dahil taliwas sa nakasanayan ng karamihan, kakaiba talaga ang turingan ni Rodjun at Rayver sa isa’t-isa at sa patuloy na paglipas ng maraming taon, tila’y wala talaga silang ipinagbago dahil nananatili pa rin silang sweet, maalaga, at genuine.

Ysha Red

error: Content is protected !!