Ronnie Liang, inireveal na may mga istorya sa likod ng mga napili niyang career sa buhay

Kakaibang level talaga ang paghangang nararamdaman natin sa mga taong matagumpay sa napili nilang career kaya minsan, nais talaga nating mapabilis ang panahon para tayo naman ang nasa kanilang posisyon dahilan kung bakit karamihan sa atin ay nakakalimot na may kuwento ang bawat proseso kaya malaking tulong talaga ang pagkakaroon ng role model dahil maliban sa pagiging isang inspirasyon ay nagsisilbi rin silang reminder na kailangan talaga nating paghirapan na abutin ang mga pangarap natin sa buhay para mas masarap sa pakiramdam ang taste ng success.
Credit: @ronnieliang Instagram
Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, marami rin ang sumasabay sa pagbabago kaya mas mainam talaga ang pagiging flexible at pagkakaroon ng kakayahan na makapag-adjust ng madali para hindi mapag-iwanan ng panahon katulad na lamang ni Ronnie Liang na sobrang smart sa napili niyang mga career dahil hindi lang naman kasi purong enjoyment ang isinaalang-alang niya kundi ay pati na rin ang kanyang future.
Matapos ang mahigit isang taon niyang pagpupursige, graduate na si Ronnie sa kanyang Master’s Degree in Management (Major in National Security and Administration) sa Philippine Christian University kaya maliban sa pagiging isang sikat na singer, aktor sa lokal na industriya ng showbiz at bilang isang private na piloto, muli na namang nadagdagan ang kanyang accomplishments sa buhay at ito ay ang pagkakaroon niya ng master’s degree.
Credit: @ronnieliang Instagram
Ayon kay Ronnie, naniniwala umano siya na sa patuloy niyang pag-eexplore sa kanyang capabilities at pagpapalawig ng kanyang career, mas malayo pa umano ang kanyang mararating at mas marami pa umano siyang matatanggap na opportunities sa buhay. Pagbabahagi pa ni Ronnie, numero uno umano sa kanyang puso ang pagiging isang singer at isa namang fulfillment sa kanyang “childhood dream” ang pagiging isang private na piloto kaya ngayong may panibago na namang siyang achievement, isa umanong certainty sa mundong nakatakdang magkaroon ng maraming pagbabago ang kanyang master’s degree.
Credit: @ronnieliang Instagram
“Being a singer is my first love, and becoming a commercial pilot has been a childhood dream. However, my master’s degree is like a stronger safety net in this life of constantly not knowing what will happen next,” pahayag ni Ronnie.
Credit: @ronnieliang Instagram
Habang may buhay, punong-puno talaga ng pag-asa at wala talagang limitasyon sa pag-abot ng ating mga pangarap kaya hanggang kaya, patuloy talaga sa pag-eexplore si Ronnie sa kanyang kakayahan upang mas madagdagan pa ang kanyang kaalaman. Magkakaiba man ang kanyang napiling careers, nagawa naman ni Ronnie Liang na madiskubre ang kanyang capabilities habang isinasaisip ang kasiguraduhan at seguridad ng kanyang present at future.