Ronnie Liang, pinabilib ang fans sa walang kakupas-kupas niyang kagwapuhan

Sa tuwing nakakakita tayo ng mga taong gwapo o maganda, talented o mga taong maaari nang tawagin na perfect, hindi talaga natin napipigilan na mapasabi na lubos silang pinagpala. May piling mga tao na marunong gumamit ng kanilang looks at talento sa perpektong paraan katulad na lamang ni Ronnie Liang na ngayon ay binubuhay ang kilig at bilib ng kanyang fans.
Credit:Β @ronnieliang Instagram
Isa si Ronnie Liang sa mga sikat at mahuhusay na OPM artist ngayon. Marami na rin siyang kanta na talagang pumatok sa publiko katulad na lamang ng “Ngiti,” “Hiling,” “Gusto Kita,” “Ikaw,” at marami pang iba. Una siyang nakilala sa Pinoy Dream Academy kung saan ay itinanghal siya bilang second runner-up at simula noon, mas naging maliwanag pa ang journey ni Ronnie sa larangan ng pagkanta at sa showbiz mismo.
Sa kabila ng kanyang matagumpay na career, hindi lamang umiikot ang buong atensyon ni Ronnie sa showbiz at sa pagkanta dahil isa rin siyang lisensyadong private na piloto at Army reservist. Dahil sa kombinasyon ng kanyang achievements sa loob at labas ng showbiz at OPM dagdagan pa ng kanyang gwapong looks, mas lumakas pa ang kanyang karisma.
Credit:Β @ronnieliang Instagram
Ngayon na successful na ang kanyang career, hindi naiwasan ni Ronnie na magbalik-tanaw sa dating ‘siya’ at halos hindi makapawanila na marami na palang taon ang lumipas.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang kanyang lumang mga larawan kung saan ay makikita ang kanyang ID noong hayskul at ‘nung kumukuha pa lamang siya ng kanyang Master’s degree sa Philippine Christian University.
“Time flies so fast!π₯ΉπͺπΌπβ°,” sulat ni Ronnie sa kanyang caption.
Credit:Β @ronnieliang Instagram
Mapapansin naman sa ibinahagi niyang lumang mga larawan na malaki ang kanyang ipinagbago ngunit masasabi talaga na mula pa man noon, napakaguwapo na niya talaga dahilan kung bakit magkahalong kilig at pagkabilib ang nararamdaman ngayon ng kanyang fans dahil sa walang kakupas-kupas na kagwapuhan ng kanilang idol!
“Sobrang gwapo talaga.”
“Still so cute back then, more handsome more then ever ππ”
“Angwapo pa rin. πππ”
Credit:Β @ronnieliang Instagram
“mula noon at ngayon.gwapo pa rin β€οΈπ”
“Wow naman gwapo talagaπ”
Understandable naman ang kilig at pagkabilib ng fans dahil kahit na’y maraming taon na ang lumipas, hindi man lang kumupas ang kagwapuhan ng nag-iisang Ronnie Liang. Imbes ay mas gumwapo pa nga siya!