Roxanne Barcelo, ibinahagi ang mga cute na letrato ng kanyang baby boy

Kilala si Roxanne Barcelo sa industriya ng showbiz lalo na nang isa siya sa mga bumida sa sikat na teleserye na pinamagatang “Wildflower” kung saan ay nakasama niya sina Maja Salvador, RK Bagatsing, at iba pa.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Bilang isang sikat na personalidad ay normal na para sa kanya na subaybayan ng mga netizens. Isa mang bigatin na aktres ay pinili pa rin ni Roxanne na panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay lalo na pagdating sa kanyang pamilya.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Hindi na naman bago para sa isang artista ang subaybayan ng kanilang fans. Sa harap o likod man ng kamera ay patuloy pa rin silang tinututukan ng fans pero pagdating kay Roxanne ay mas pinili niyang gawing confidential ang personal na buhay lalo na pagdating sa mahahalagang tao sa kanyang buhay.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Disyembre 24 noong nakaraang taon nang sinurpresa ni Roxanne ang netizens nang nagbahagi siya sa Instagram ng mga larawan kuha sa kanyang kasal. Marami ang nagulantang sa kaganapan na ito sa buhay ng artista at singer na si Roxanne dahil hindi siya nagbigay ng anunsyo tungkol sa mahalagang event ng kanyang buhay.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Bukod sa kasal kung saan ay nagulat ang netizens ay naging kuryoso rin ang fans ni Roxanne sa taong pinakasalan nito dahil hindi ibinunyag ng aktres ang pangalan nito. Hindi rin ipinakita ni Roxanne ang mukha ng asawa sa lahat ng larawang ibinahagi niya na mas nagpaliyab sa kuryosidad ng netizens.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
“Hindi siya Filipino. Hindi siya taga dito, he’s from Hong Kong. But he lives a very private life,” pagbibigay clue ni Roxanne sa isang interview.
Hunyo ngayong taon nang muli na namang sinurpresa ni Roxanne ang lahat nang nagbahagi siya ng larawan sa kanyang Facebook page kung saan ay makikitang karga niya ang anak.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
“Here’s to the rest of our lives,” sulat ng 36 taong gulang na aktres sa kanyang caption.
Kinumpirma ni Roxanne sa isang IG story highlight na noong May 22 niya isinilang ang anak na kung tawagin niyang si baby “Cinco”.
Simula nang tumungtong sa unang buwan nito ay nagsimulang magbahagi si Roxanne ng mga larawan ng anak sa Instagram.
“Time flies! Our baby love is now 2 months old.🥳”
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Dalawang buwan pa lamang pero makikitaan na talagang namana niya ang good looks ng kanyang Mommy Roxanne. Hindi naman talaga maitatanggi na sobrang cute ng baby boy ni Roxanne.
Maaalala noong Marso nang nagsimulang magbahagi si Roxanne sa Instagram ng mga larawan sa ginanap na maternity shoot. Inulan naman ng maraming papuri ang bawat larawan niya lalo na’t sobrang blooming niya nang ipinagbubuntis pa lamang ang unang anak.
Credit: @roxannebarcelo Instagram
Talaga namang iba ang kasiyahan ng isang ina sa milestone ng kanyang baby, katulad ng bagong mommy na si Roxanne Barcelo.