Roxanne Barcelo, inilabas na ang family picture kasama ng dalawang importanteng lalake sa kanyang buhay

Roxanne Barcelo, inilabas na ang family picture kasama ng dalawang importanteng lalake sa kanyang buhay

Sino nga ba naman ang hindi maaaliw sa cuteness ng isang baby? Dahil sa nag-uumapaw at nakakagigil na cuteness ng anak, hindi napigilan ni Roxanne Barcelo na ibahagi ang mga larawan ng kanyang baby boy sa social media na talagang namang kinagigiliwan ngayon ng netizens.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

Kahit na sa kasikatang tinatamasa sa harap ng kamera, matagal na palang pangarap ni Roxanne Barcelo ang maging asawa at Mommy. Sa pag-aakalang wala na siyang iba pang mahihiling, gusto rin pala ni Roxanne na magkaroon na ng sariling pamilya at hindi nga nagtagal, natupad na rin sa wakas ito sa katauhan ng kanyang matalik na kaibigan at ng kanilang baby boy na si Baby Cinco.

Nasanay ang netizens sa pagiging open ni Roxanne sa bawat event ng kanyang buhay. Marami ang tila ba’y hindi makapaniwala nang ikinasal si Roxanne Barcelo kay Jiggs na kumakailan lamang niya ipinakilala sa publiko. Nito lamang buwan ng Enero nang unang ibinahagi ni Roxanne na magkakaroon sila ng baby ni Jigss pero ngayon lamang niya ipinakita at ipinakilala si baby Cinco sa kanyang fans at followers.

Unang ibinahagi ng aktres ang mga larawan ni baby Cinco noong isang buwan pa lamang ito at may caption na, “Our son at 1 month – 5 weeks. 🐼”

Sa isang hiwalay na post naman ay makikitang nakasuot ng stripe na jumpsuit si baby Cinco habang nakatingin sa kamera at napapalibutan ng iba’t-ibang stuff toys.

Credit: @roxannebarcelo Instagram

“Thank you for turning us into a family, Cinco👨‍👩‍👦” saad ni Roxanne sa kanyang caption.

Nagbahagi rin si Roxanne ng mga larawan ng kanyang baby boy nang ito’y tumungtong sa ikalimang buwan kung saan ay mas napansin ng netizens ang pagiging kahawig nito sa kanyang Daddy Jiggs. Sa pinakabagong post ni Roxanne, ipinagdiwang nila ng asawa ang pagtungtong ni baby Cinco sa ika-anim na buwan kung saan ay kinagiliwan ng fans ng aktres ang cuteness nito.

“Cinco lovingly smiling at his Grandma and Aunt,” saad ng aktres sa kanyang caption na may kasama pang #6months.

Hindi naiwasan na mahawa sa good vibes na hatid ni baby Cinco, inulan ang mismong post ng kanyang Mommy Roxanne ng iba’t-ibang papuri tungkol sa kanyang nag-uumapaw na cuteness. Iilan lamang ito sa kanilang mga komento:

Credit: @roxannebarcelo Instagram

“Sobrang gwapo!!!👏👏👏”

“Adorable Cinco❤️”

“Roxanne ang cute ng baby mo 😍❤️”

Ngayon na natupad na ang matagal nang pinapangarap ni Roxanne, hindi niya mapigilan ang sarili na ibahagi sa mundo ang kasiyahang nararamdaman na mas lalo pang nabigyang kulay sa pagdating ni baby Cinco sa kanyang buhay, kasama ang asawang si Jiggs.

Ysha Red

error: Content is protected !!