Roxanne Guinoo, sobrang proud sa achievement ng kanyang panganay na anak

Roxanne Guinoo, sobrang proud sa achievement ng kanyang panganay na anak

Bilang isang ina, pride talaga nila ang tagumpay ng kanilang mga anak kaya todo talaga ang pagfle-flex ng mga Mommy sa tuwing may achievement ang mga anak dahil deserve na deserve naman kasi nila ang recognition.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Kapag nakabuo na ng sariling pamilya, nag-iiba talaga ang priority ng isang tao. Matatandaan na taong 2004 nang unang nakilala si Roxanne nang sumali siya sa “Star Circle Quest”. Simula nang pinasok niya ang mundo ng showbiz, patuloy si Roxanne sa pagpapatunay sa kanyang skills sa pag-arte dahilan kung bakit tuloy-tuloy ang projects na natanggap niya hanggang nakabuo siya ng loveteam kasama ang kanyang onscreen partner na si Joross Gamboa.

Kung noon ay tanging kasikatan at recognition lamang ang pangarap ni Roxanne Guinoo bilang isang aktres, buong-puso niyang nilisan ang mundo ng showbiz upang makapag-focus sa kanyang buhay bilang isang asawa at upang matutukan ang pagpapalaki at pag-aalaga sa mga anak.

Sa mga panahon na nasa labas ng showbiz, abala si Roxanne sa kanyang Mommy duties. Ngayon na malaki-laki na ang kanyang tatlong mga anak na sina Reine, Sophia, at ang bunsong anak na si Reilley, napagdesisyunan ni Roxanne na bumalik sa pag-aartista nito lamang nakaraang taon kung saan ay nag-reunite sila ng ka-loveteam niyang si Joross Gamboa sa isang series na “Hoy, Love You!”

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Busy man ngayon lalo na’t nakabalik na siya sa pag-aartista, matagumpay pa rin naman na nagagampanan ni Roxanne ang kanyang Momshie duties. Sa katunayan, present siya sa bawat achievement ng kanyang mga anak. Nito lamang, um-attend siya sa graduation ng kanyang panganay na si Reine na ngayon ay 11 taong gulang na.

Sa momentous na event na ito, ibinahagi ng proud Mommy ang mga larawang kuha niya sa graduation ng anak kung saan ay makikita si Reinne na nakasuot ng kumpletong uniform, medalya, at nakahawak ng diploma.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

“Happy Graduation to our dearest daughter, Reine. I am so proud of the person you are and how you do your best in everything. Always remember that I will always be here every step of the way to support and cheer for you,” sulat ni Roxanne sa kanyang caption.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Ngayon na graduate na sa elementarya, naghahanda na ngayon ang panganay na anak ni Roxanne sa pagtungtong nito sa highschool. Of course, bilang isang supportive na Momshie, ipinangako ng aktres na palagi siyang nasa tabi ni Reine sa bawat pagkakataon.

Ysha Red

error: Content is protected !!