Rufa Mae Quinto, napasabing “Go! Go! Go!” nang nag-test drive sa regalong sasakyan na mula sa kanyang asawa

Rufa Mae Quinto, napasabing “Go! Go! Go!” nang nag-test drive sa regalong sasakyan na mula sa kanyang asawa

Isa sa mga hinahangaan sa industriya ng showbiz si Rufa Mae Quinto. Hindi lamang siya biniyayaan ng angking ganda pero kahusayan din sa pag-arte. Sa matagal na pagiging celebrity ay marami rin siyang pinagbidahan na mga pelikula katulad ng Super B, Status: Single, at B0oba.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Marami na rin siyang natanggap na mga awards bilang isang aktres at host. Bukod pa doon ay nabiyayaan rin siya ng talentong magpatawa at ngayo’y isa sa mga kinikilalang comedian sa Philippine showbiz.

Bago nagka-p@ndemya ay pansamantalang naninirahan si Rufa Mae sa Amerika kasama ang pamilya at mula ngayon ay mahigit isang taon ng nanatili sa ibang bansa dahil naabutan umano sila ng l0ckdown. Ayon pa sa aktres-komedyante ay sa matagal niyang pananatili doon ay unti-unti na siyang nasanay sa pamumuhay sa ibang bansa sa kabila ng kr!sis.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Nito lamang May 28 ay nag-celebrate siya kasama ang pamilya ng kanyang kaarawan. Bilang regalo sa kaarawan ni Rufa ay niregaluhan siya ng asawang Filipino-American na si Trevor Magallanes ng bagong sasakyan.

Ibinahagi ni Rufa Mae ang engrande at bonggang-bonggang regalo na natanggap niya galing sa asawa sa kanyang Instagram account kung saan ay tine-test drive niya ang natanggap na brand new car.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Ayon pa kay Rufa Mae ay hindi niya inaasahang reregaluhan siya ng asawa ng bagong sasakyan.

“Birthday gift. Saya saya naming mag-ina!” pahayag ni Rufa Mae bilang caption sa ibinahaging short video sa Instagram at pinasalamatan ang asawa.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Umani naman ang mismong post ng likes at comments galing sa iilang kaibigan sa showbiz at mga fans na napa-hashtag #SanaAll. Iilan lamang sa mga kapwang celebrities na nagkomento ay sina Vina Morales, Ogie Alcasid, Michelle Madrigal, at Yasmien Kurdi.

Maaalala sa interview niya sa programang “Tunay na Buhay” kumakailan lamang na sinisiguro niyang makauwi sa Pilipinas ngayong taon upang asikasuhin ang ilang mga bagay na kanyang naiwan magmula noong magpunta siya ng Amerika kasama ang pamilya.

Credit: @rufamaequinto Instagram

“Pero definitely, this year, uuwi ako. Gusto ko bumalik para ayusin ko yung buhay ko diyan,” sabi ni Rufa.

Credit: @rufamaequinto Instagram

Inamin naman ni Rufa Mae na nami-miss na niya ang Pilipinas, lalo na ang industriya na kinabibilangan. Sa ngayon ay masaya siyang nananatili sa Amerika kasama ang asawa at anak pero malaki ang kanyang pag-asang makabalik muli ng Pilipinas at makapagtrabaho ulit sa showbiz.

Ysha Red

error: Content is protected !!