Rufa Mae Quinto, ipinasilip ang kanilang bagong bahay sa Amerika

Bagong bansa, bagong bahay para kay Rufa Mae Quinto at sa kanyang pamilya! Kahit nasa abroad man, nananatili pa rin ang pagiging wais niya, isang katangian na labis na hinahangaan ng karamihan.
Credit: @rufamaequinto Instagram
Dahil matagal-tagal na ngayong nasa Amerika, napagkasunduan ni Rufa Mae at ng kanyang non-showbiz na asawa na si Trevor Magallanes na magkaroon na lamang ng sariling bahay kaya naman sobrang excited ngayon ang aktres slash komedyante sa pag-aayos at pamimili ng mga gamit sa kanilang bagong bahay bago sila tuluyang makalipat.
“So, we’re gonna go to shopping for the house. Wala po kaming gamit masyado kaya ito-tour ko muna kayo kung saan po kami mamimili ng gamit,” saad ni Rufa Mae habang naghahanda sila ng kanyang chikiting na si Athena sa pagpunta sa mall.
Kasama sa kanilang pamimili ng kinakailangan at kulang na mga kagamitan sa bahay ay ang mabuting kaibigan ng aktres na si Wendy na siya ring driver nila ng anak.
Credit: @rufamaequinto Instagram
“We buy for the kitchen, for the toilet, for the storage… everything. Yehey!” excited na sabi ni Rufa Mae habang nasa biyahe.
Nang matapos sa pagche-check ng furniture at pagbili ng iilang kagamitan, kaagad naman na umuwi sina Rufa Mae upang maglinis ng bahay kasama ang kanyang anak na siyang nagma-map sa sahig.
Isang aktres na kilala sa kanyang sense ng humor, todo pa rin sa pagbibiro at pagtawa si Rufa Mae kahit nasa kalagitnaan ng paglilinis.
Credit: @rufamaequinto Instagram
Wala man sa plano ng komedyante na manatili ng matagal sa US, hindi pa rin maitago ni Rufa Mae ang kasiyahan niya sa lahat ng blessings na natanggap ng kanyang pamilya.
Of course, labis din ang pasasalamat niya sa asawa na grabe mag-alaga sa kanilang mag-ina habang nasa Amerika.
“Ang pag mamahal nga naman … we love you @trevvvsilog ! We are so happy to be here in the USA with you! Thanks for taking caare of us ! Thanks for the new house , for working hard , for providing,” pahayag ni Rufa Mae sa isang post niya sa Instagram.
Credit: @rufamaequinto Instagram
Dagdag pa niya, “Ang sarap lang ng feeling na makakamit din ang minimithi.. konting tyaga, keep the faith and work hard and sacrifice …long wait is over ! Finally ! Yasss !”
Hindi man inaasahan noon ang lahat ng kaganapan sa buhay ngayon ni Rufa Mae, hindi pa rin niya maiwasang humanga sa paraan ng pagbibigay ng blessings ng Panginoon na tila ba’y nakatadhana ang lahat na mangyari.
Credit: @rufamaequinto Instagram
Congratulations, Rufa Mae! Go Go Go!