Ruffa Gutierrez, inspirasyon para sa kapwa niya mommies na nagbabalak bumalik sa pag-aaral

Ruffa Gutierrez, inspirasyon para sa kapwa niya mommies na nagbabalak bumalik sa pag-aaral

Walang hindi kakayanin para sa pangarap! Ito ang nais ipabatid ni Ruffa Gutierrez sa lahat ng kapwa niya mga mommies na may balak bumalik sa pag-aaral.

Credit: @iloveruffag Instagram

Maliban sa pag-aartista, isa rin pala sa matagal nang pangarap ni Ruffa Gutierrez para sa sarili ay ang makapagtapos sa kolehiyo ngunit dahil sa kanyang busy na araw-araw at sandamakmak na projects na talaga namang nagre-require sa kanya na ibigay ang buo at undivided niyang atensyon, kinailangan ng aktres na isantabi ang kanyang pag-aaral. Sa paglipas ng maraming taon matapos ang matagumpay niyang pagbuo ng career sa mundo ng showbusiness, nais naman ni Ruffa na i-pursue ang kanyang studies.

Sa isang ekslusibong interview ng KAMI kay Ruffa kumakailan lamang, ibinahagi ng 48 taong gulang na aktres na simula nang dumating ang p@ndemic na nagdulot ng disruption sa kanyang usual na busy schedule sa araw-araw, napagdesisyunan niyang bumalik sa pag-aaral at matapos nga ang ilang taon niyang pagpupursige, sa wakas ay nakapagtapos siya sa kursong Communication Arts sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETTEAP).

Credit: @iloveruffag Instagram

Kung iisipin, hindi lamang trabaho ang pinagkakaabalahan ni Ruffa kasabay sa pagbabalik niya sa skwela dahil for sure, abala rin siya sa kanyang Momshie duties lalo na’t pareho nang dalaga ang dalawa niyang anak na sina Lorin Gabriella at Venice pero dahil sa kanyang determinasyon at dedikasyon na matupad ang kanyang pangarap na makapagtapos sa college, matagumapay niyang nakamit ang inaasam na diploma!

Matagal man bago niya na-achieve ang kanyang pangarap, fulfilled at sobrang happy naman si Ruffa dahil matapos ang mahabang panahon niyang paghihintay, graduate na rin siya sa kolehiyo.

Sa parehong interview, mayroong makabuluhang advice at nagbigay ng tips ang aktres sa kapwa niya mga nanay na nais bumalik sa pag-aaral.

Credit: @iloveruffag Instagram

“It’s never too late and you’re never too old to fulfill a long-held dream,” ayon kay Ruffa.

Dagdag pa ng aktres, “At the height of the pandemic, I decided to go back to school. Now I have a degree! Every journey begins with a single step. If I did it, you could too.”

Credit: @iloveruffag Instagram

Tunay nga sa payo ni Ruffa, wala talagang late sa pag-abot ng ating mga pangarap. Umabot man ito ng maraming taon bago ma-achieve, magiging proud pa rin tayo sa ating sarili dahil sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, kinakaya pa rin natin ito para maisakatuparan ang pangarap!

Ysha Red

error: Content is protected !!