Ryza Cenon, ibinahagi ang kanyang pinagdadaanan ngayon bilang isang mommy

Ryza Cenon, ibinahagi ang kanyang pinagdadaanan ngayon bilang isang mommy

Isang malaking responsibility talaga ang pagiging isang ina. Kahit na’y pagod at stress sa pag-aalaga sa mga anak at pag-aasikaso sa kanilang mga pangangailangan, fulfilling naman sa damdamin kapag nakikita at naririnig ng mga Momshie ang ngiti at tawa ng kanilang mga chikiting.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Bilang isang ina, priority talaga nila ang kanilang mga anak. Mula sa paggising sa umaga hanggang sa bawat pagtulog sa gabi ay nakalaan na sa kanila ang buong atensyon at oras ng kanilang mga Mommy.

Isa si Ryza Cenon sa mga sikat at mahuhusay na aktres sa kanyang generation. Kung noon ay tanging taping, collaborations, at projects lamang ang inaasikaso, ngayon naman ay ibinubuhos na niya ang buong atensyon at oras sa pag-aalaga sa kanyang baby. Malaki man ang ipinagbago ng pagiging isang ina sa kanyang buhay, labis naman ang kasiyahan at pagpapasalamat ng aktres sa kanyang bagong role. Of course, hindi naman madali ang responsibilidad ng isang ina lalong-lalo na kay Ryza na first time maging Mommy.

Sa kanyang experience thus far bilang isang ina, napagtanto ni Ryza na kaakibat ng kasiyahan sa pag-aalaga ng kanyang anak ay ang pagod na inamin niyang nararamdaman niya sa bawat araw na lumilipas. Sa recent na update ng aktres sa Instagram, nagbahagi siya ng relatable na kwento kung saan ay naantig niya ang puso ng kapwa niya Momshies.

Credit: @iamryzacenon Instagram

“After mo mag pakain, magpaligo, saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka nalang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit. ☺️🥹 Relate din ba kayo mga mommies? Kung nakakarelate kayo isang mahigpit na yakap sa inyo mga mommies!!! 💗” kwento ni Ryza kalakip ng ibanahaging “nakakatulala moment” niyang larawan.

Bagama’t marami man sa mga Mommy ang nakaka-relate sa moment na ito ng aktres, inamin naman ng iilan na malaki umano ang pagkakaiba ni Ryza kapag napapagod dahil sobrang ganda at radiant pa rin niya tingnan!

“Pero di po ako ganyan kaganda pag napagod😂😍”

Credit: @iamryzacenon Instagram

“Yes Mommy , pero bakit ako di nmn ganyan ka-ganda pag natutulala?😂”

“🔥🔥 Sanaa ganyan din ako kaganda kahit pagod”

“Nakatulala dn ako lagi pero d ganyan kaganda😢😂”

“Walang bakas ng pagod sa ganda ng fes..parang natulala lang pero pretty pa din..Sana ol ganyan kaganda kahit pagod..😂😍”

Credit: @iamryzacenon Instagram

Pagod man sa kanyang Mommy duties, wala namang kahit anong bakas ng pagod at stress ang mukha ni Ryza dahilan kung bakit marami ngayon sa kapwa niya mga Momma na mapasabi ng “Sana all”.

Ysha Red

error: Content is protected !!