Ryza Cenon, ipinakita ang creativity nang gawan ng sasakyang gawa sa karton ang anak

Ryza Cenon, ipinakita ang creativity nang gawan ng sasakyang gawa sa karton ang anak

Sabi nila lahat ng pagsubok ay haharapin ng isang ina. Kamakailan lamang nasubok ang galing sa arts ni Ryza Cenon ng gumawa ito ng kakaibang regalo para sa anak na si Night. Panganay na anak ni Ryza si Night at bilang first time mom gagawin ni Ryza ang lahat para lang mapasaya ang anak nito kahit pagod at puyat pa ang kapalit.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Sa isang post sa kanyang Instagram, sinabi niya na sulit lahat ng pagod at puyat niya sa pag-gawa sa espesyal na regalo nito sa kaniyang anak na si Night.

“Lahat ng pagod at puyat ko sa pag-gawa ng Lightning McQueen car ni Night, worth it.” sabi niya.

Higit sa kaalaman ng nakakarami, hindi lang magaling na aktres si Ryza, ito rin ay malikhain. Isang DIY lightning McQueen car ang espesyal na regalo nito sa anak na si Night.

Gawa sa pinagdikit dikit na karton ang sasakyan, kinulayan nya ito ng pula at dinikitan ng iba’t iba pang palamuti para magmukha talagang totoong sasakyan. Hindi mo aakalain na ito ay gawa lamang sa isang karton. Ito ay isang masterpiece. Pinakita ni Ryza kung papaano niya ito ginawa sa kanyang instagram.

Credit: @iamryzacenon Instagram

“Lightning Mcqueen.. Made by yours truly,” proud niyang sinabi.

Makikita rin sa isang video ang reaksyon ni Night ng makita niya sa unang pagkakataon ang McQueen car. Kita sa mukha nito ang labis na saya at pagkamangha. Masaya at walang katumbas para sa aktres ang reaksyon ng anak nito.

“Priceless,” sabi ni Ryza.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Nabihag din ni Ryza ang mga netizen sa ginawa nitong McQueen Car. Namangha at nagiwan ng maraming positibong komento ang mga ito.

“Wow ang galing.. ganda”

“Wow ang galing mo naman ms @iamryzacenon, kuhang kuha mo si McQueen!”

“Great craftmanship”

Credit: @iamryzacenon Instagram

Isa lang si Ryza sa milyon-milyong Ina na gagawin ang lahat para lang mapasaya ang kanilang mga anak. At napag tagumpayan ito ng aktres. Maraming magulang ang na-inspire sa ginawa nito.

Ysha Red

error: Content is protected !!