Ryza Cenon, muling nagbahagi ng kanyang relatable experience bilang isang mommy

Ryza Cenon, muling nagbahagi ng kanyang relatable experience bilang isang mommy

Sa kabila ng kasiyahan at contentment na nararamdaman kapag nagkakaroon ng isang anak, hindi maitatanggi ang stress sa pag-aalaga lalo na’t habang sila’y lumalaki, mas nagiging makulit din sila at mas nagiging malapit sa disgrasya na talagang isa sa mga bagay na labis na ikinababahala ng isang Momshie.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Bagama’t magkakaibang tao man at hindi man personal na magkakilala, pare-pareho talaga ang sitwasyong pinagdadaanan ng mga ina lalo na pagdating sa pag-aalaga sa kanilang mga chikiting.

Simula nang naging isang ganap na ina si Ryza Cenon, patuloy siya sa pagbabahagi ng Momshie moment kung saan ay sobra namang nakaka-relate ang kapwa niya mga Mommy.

Matatandaan kumakailan lamang nang nagbahagi ang aktres kung gaano ka-stressful ang bawat araw sa buhay ng isang ina dahil talagang nakatutok sila sa pagbabantay at pag-aalaga sa kanilang anak at nito lamang, muli na namang nagbahagi ng sobrang relatable na Momshie moment si Ryza sa Instagram.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Ayon sa aktres, mas nagiging makulit umano ang kanyang chikiting kahit na’y mahimbing na itong natutulog. May isang gabi umano nang nadatnan niya si baby Night na nakapatong sa iniharang niyang unan. Sobrang nabahala na baka mahulog ito sa kama, pilit niyang kinuha ang unan ngunit sa hindi inaasahan, ito ang naging dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang kanyang anak.

“Share ko lang, dahil lumalaki na si Night nagiging malikot at makulit na sya. May gabi na nasa kama sya tumuntong sya sa unan konti nalang pwede sya mahulog kahit may harang. So ginawa ko pilit kong tinanggal yung unan ayun nagderetso syang na hulog hindi ko nasalo..😭😢,” pahayag ni Ryza.

Sa kanyang guilt, ilang ulit na humingi ng patawad si Momshie Ryza kay baby Night at sinisi ang sarili dahil siya umano ang may kasalanan kung bakit naaksidente ang kanyang anak.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Sabi ng aktres, “Dali- dali kong kinuha si Night tapos niyakap ko sya ng mahigpit tapos naiyak ako kasi ako may kasalanan kung bakit sya nahulog tapos sorry ako ng sorry..”

Dahil sa pangyayaring ito, napagtanto ni Ryza na masakit pala sa pakiramdam ng isang ina kapag napapahamak o nasasaktan ang anak kaya talagang ipinangako niya kay baby Night na mas magiging careful na siya sa susunod.

Credit: @iamryzacenon Instagram

Of course, wala namang perpektong ina. May mga pagkakataon talaga na kahit todo ang proteksyong ibinibigay natin, hindi naiiwasan ang isang aksidente. Hindi man napigilan ang pagkahulog ni baby Night mula sa kama, panigurado naman na hindi na ito mauulit pang muli lalo na’t determinado ang kanyang Mommy Ryza na mas magiging maingat na siya.

Ysha Red

error: Content is protected !!