Ryzza Mae Dizon, aminadong gustong pumayat ngayong nagdadalaga na kaya nagwo-workout!

Ryzza Mae Dizon, aminadong gustong pumayat ngayong nagdadalaga na kaya nagwo-workout!

Sa murang edad na 7, nakilala ng marami si Ryzza Mae Dizon bilang isang talentado at matalinong bata.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Unang pumasok sa showbiz si Ryzza Mae nang sumali siya sa Eat Bulaga pageant na “Little Miss Philippines” noong 2012 kung saan ay itinanghal siyang panalo.

Hindi naman naging hadlang para kay Ryzza Mae ang kanyang edad upang makipagsabayan sa ilang bigating pangalan sa showbiz. Pinatunayan ni Ryzza Mae ang kanyang galing sa pagho-host at maging sa pag-arte pagkatapos niyang masungkit ang korona.

Bukod sa pagiging regular host ng Eat Bulaga, sumabak din sa pag-arte si Ryzza Mae. Sa ngayon naman, maliban sa pag-aartista ay isa rin siyang kilalang vlogger o YouTuber.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Tunay na makinang ang naging karera sa showbiz ni Ryzza Mae. Kaya naman sa mahigit 9 na taon niyang nasa showbiz, nakapagpundar na siya ng kanyang sariling bahay, negosyo at sasakyan! Ito ang ibinahagi ni Ryzza Mae nang makapanayam siya ng “Stories of Hope” kamakailan lamang.

Talagang malayo at malaki na ang pinagbago ng buhay ni Ryzza Mae at ng kanyang pamilya mula nang pasukin niya ang showbiz.

Napansin din ng maraming netizens ang tila malaking pagbabago sa imahen ni Ryzza Mae. Dahil mula sa pagiging “Aleng Maliit” noon, certified “Aleng Dalagita” na si Ryzza Mae ngayon. Noong Hunyo lamang ay masayang ipinagdiwang ni Ryzza Mae ang kanyang sweet 16th birthday.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Samantala, ibinunyag naman ni Ryzza Mae sa nasabing panayam na mas inaalagaan niya ang kanyang kalusugan at katawan ngayon sa pamamagitan ng pagwo-workout.

Ayon kay Ryzza Mae, isa sa kanyang mga goal ay pumayat at ma-achieve ang isang healthy na katawan. Kaya naman ngayong qu@rantine season, kabilang sa kanyang mga pinagkakaabalahan ay ang pag-eehersisyo.

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

“‘Pag hindi ako nag-work out, lagot ako kay Mama. Magagalit siya sa akin kasi gusto niya po na fit ako, healthy po ako kasi importante ang workout sa ‘tin para rin po yung katawan natin inside healthy rin po…Mahirap na po ‘pag nagkasakit. Dapat maintain lang po ‘yong healthy lifestyle,” ani Ryzza Mae.

Dagdag pa niya, “Gusto ko rin naman po na pumayat po ako kahit konti, kasi siyempre nagdadalaga na po ako. And para magka-leeg na rin po ako kahit konti.”

Credit: @ryzzamaedizon_ Instagram

Maliban naman sa pagwo-workout, nakapokus din si Ryzza Mae sa kanyang online class ngayon habang naka-work from home dahil sa p@ndemya.

Ysha Red

error: Content is protected !!