Ryzza Mae Dizon, todo ang pagtutok sa kanyang ipinapatayong “Dream House” sa Pampanga

Ryzza Mae Dizon, todo ang pagtutok sa kanyang ipinapatayong “Dream House” sa Pampanga

Kapag nasa proseso na patungo sa katuparan ang ating pangarap na matagal na nating inaasam, talagang gusto natin itong tunghayan mula sa unang hakbang hanggang ito’y masilayan ng buo.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Marami man ang lubos hindi makapaniwala sa katotohanang unti-unti nang natutupad ni Ryzza Mae Dizon ang mga pangarap niya sa buhay sa edad na 16, patuloy naman siya sa pagbibigay ng patunay na nagawa nga niyang posible ang lahat dahil sa sipag at tiyaga.

Hindi kailanman naging hadlang ang murang edad ni Ryzza Mae dahil simula nang pinasok ang showbiz, todo effort na ang ibinibigay ng kinikilalang “Aling Maliit” at walang pinapalampas na opportunities dahilan kung bakit isa siya sa mga sikat at talagang tinitingalang batang aktres sa kanyang generation.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Hindi lamang purong cuteness meron si Ryzza Mae dahil hindi rin maipagkakaila ang kanyang kahusayan sa larangan ng pag-arte na napatunayan naman niya sa bawat teleserye o pelikulang kinabilangan.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Hinahangaan din siya ng kanyang fans dahil sa kabila ng tagumpay na tinatamasa niya ngayon, nananatili pa rin ang pagiging “bubbly” ni Ryzza Mae. Maliban dito, kinabibiliban din siya ng karamihan dahil sa pagiging wais niya pagdating sa pera at investments dahil sa edad na 16, alam na alam na niya kung paano pagalawin ang sariling pera.

Isa na nga sa mga amazing na investment ni “Aling Maliit” ay ang ipinapatayo niya ngayong “dream house” sa Pampanga na palagi niyang binibisita kasama ang kanyang pamilya.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Nito lamang buwan ng Disyembre nang nagsimulang ipasilip ni Ryzza Mae sa kanyang fans ang ipinapagawang bahay na kasalukuyang “under construction” pa lamang.

Sa unang vlog na ibinahagi niya sa kanyang Youtube channel, makikita na ang struktura ng bahay at sa pinakabagong vlog naman ay ipinasilip ng young star ang ikalawang palapag kung saan ay makikita ang magandang tanawin ng Mount Arayat na napapalibutan ng fog.

Kasama naman ni Ryzza Mae sa pagche-check ng improvements ang kanyang Mommy Rissa na siyang madalas na nagvi-video sa kanya sa tuwing nagkakaroon ng tour ang batang aktres sa ipinapatayo niyang “dream house”.

Credit: Ryzza Mae Dizon YouTube

Labis naman ang paghangang naramdaman ng fans ni Ryzza Mae. Iilan lamang ito sa kanilang komento:

“keep it up! keep safe always….inspiring! congratsssss!”

“Hi Ryza,ang laki ng dream house mo, excited to see it finished. So proud of you, you really know where to put your hard-earned money through the guidance of your family especially your mom.”

“Wow nakakaproud ka nman ryzza grabe ang laki ng babay niyo kakatuwa”

Talagang pinatunayan ni Ryzza Mae na walang imposible para sa taong may pangarap kahit na’y siya ay 16 taong gulang pa lamang!

Ysha Red

error: Content is protected !!