Sabwatan nina Ivana Alawi at Herlene Budol aka ‘Hipon Girl’ para i-prank si Hashim, kinagiliwan ng netizens!

Talagang ibang klase kapag nagkasama na sa iisang vlog sina Ivana Alawi at Herlene Budol aka Hipon Girl.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Wala na yatang mas ihihigit pa sa isang babae na parehong may kagandahan at “sense of humor” pero paano na lang kaya kapag nagkasama na ang dalawang babae na parehong may qualities na ganito?
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa pagsasama nina Ivana Alawi at Herlene Budol o mas kilala ng karamihan bilang si “Hipon Girl” sa iisang vlog, hindi napigilan ng netizens na panoorin ito ng makailang ulit. Sa maayos nilang sabwatan, matagumpay nilang naisagawa ang kanilang misyon.
Nagbahagi ng vlog si Ivana sa kanyang YouTube channel kung saan ay kasama ang kanyang kapatid na si Hash Alawi. Napagkasunduan ng dalawa na lumabas at manghingi ng “phone numbers” sa mga makakasalubong na hindi kakilala.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa score nilang 1-1, napagdesisyunan ng magkapatid na kumain muna ng lunch sa malapit na restaurant. Habang hinihintay ang kanilang order, hinimok ni Ivana ang kapatid na kunin ang number ng babaeng mag-isang nakaupo sa kabilang lamesa.
Takot na matalo ng kapatid sa challenge, nilapitan ni Hash ang babae at hiningi ang numero nito. Lingid sa kaalaman ni Hash, si Herlene Budol pala ang kausap niya na hindi niya kaagad nakilala dahil sa suot nitong blonde wig.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Matapos ang ilang minutong usapan, pumasok ang lalaking kasama ni Herlene na si Kelly. Nang nakitang nag-uusap ang dalawa, kaagad itong nakaramdam ng galit kay Hash.
Credit: Ivana Alawi YouTube
“I’m sorry. I didn’t mean to offend any of you,” paghingi ng patawad ni Hash sa gal!t na boyfriend umano ni Herlene.
Nang lumapit si Ivana, mas lalo lamang na namuo ang tensyon sa parehong parties. Patuloy naman sa pag-arte na para bang walang alam si Ivana habang sinusubukang pakalmahin si Kelly.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Hindi magawang pakalmahin ang boyfriend na patuloy pa ring nanghahamon ng suntukan, hindi napigilan ni Herlene na pagsabihan si Ivana at Hash.
“Ayaw niyo kasing tumigil, eh. Vlog vlog pa kayo eh. Napaka-ano niyo eh! Kung ayaw niyong mandamay ng ibang tao, tumigil kayo!” naiinis ‘kuno’ na sigaw ni Herlene sa magkapatid na Alawi.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Hirit pa ni Hipon Girl kay Ivana, “Isa ka pa, eh. Alam ko ikaw si Ivana pero teka lang ha, nakakadamay na kayo eh.”
Credit: Ivana Alawi YouTube
Sa patuloy na pagtaas ng tensyon, hindi na napigilang ibinunyag nina Ivana at Herlene kay Hash na isa lang palang prank ang lahat pati ang away na naganap sa pagitan nila.
Credit: Ivana Alawi YouTube
Nang nalaman, parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Hash at isa lang pala iyong prank na talagang pinagsabwatan nina Ivana at Herlene. Sa nakakatuwang prank na ito, umabot na ngayon ng 6 million ang views ng nasabing vlog.