Sam Pinto at Anthony Semerad, naghanda ng Boho Rainbow first birthday para kay baby Mia

Ang first time parent na sina Sam Pinto at Anthony Semerad ay naghanda ng isang engrandeng party para sa anak nilang si Mia. Isang ‘Boho Rainbow’ ang tema ng birthday party. Binahagi ng actress-model na si Sam sa kaniyang instagram ang ilang detalye sa ‘first birthday’ ng napaka cute nitong anak. Nagiwan din ito ng ‘sweet message’ para sa anak.
Credit: @sampinto_ Instagram
“Happy first birthday to my heart! Everyday you continue to amaze me. You are the most wonderful blessing we ever had. I know the future only holds the best for you. We love you with all our hearts,” sabi nito.
Makikita sa post nito ang ilang detalye ng party at mga larawan ng kanilang masayang pamilya kasama ang mga kaibigan at kapamilya na dumalo sa kaarawan ng kanilang anak. Andyan din ang ilang detalye ng kanilang ‘event place’.
Mamamangha ka sa ganda at naglalakihang dekorasyon ng kanilang venue. Syempre hindi makukumpleto ang ‘Children’s party’ kung walang playground. Kaya naglagay din ang couple ng mini playground na kahit mga matatanda ay pwedeng maglaro.
Credit: @sampinto_ Instagram
Tagumpay ang first time Mommy at Daddy natin na sila Sam at Anthoy sa pag-organize ng napakaganda at masayang birthday party.
Matatandaan na ang Semerad couple ay ikinasal noong March taong 2021. sa kaparehong taon inanunsyo nito ang kanilang unang pagbubuntis. Biniyayaan ang couple ng isang cute na cute na baby girl.
Nagpasalamat din si Sam sa mga nakisaya at naki-celebrate sa kanilang pamilya sa espesyal na okasyong ito.
Credit: @sampinto_ Instagram
“Thank you to everyone who came, greeted, and enjoyed! We appreciate every single one of you! Might not have a photo with some of you guys but do know that your presence was all we needed,” pasasalamat nito.
Hindi rin nakalimutan ni Sam ang mga taong tumulong sa kanila sa pag-organize ng ‘Boho Rainbow Birthday Party’ nito para sa anak.
“This magical boho rainbow party is probably the most Bongga party I’ve ever done. Lol. So THANK YOU to everyone who made this possible,” saad nito.
Credit: @sampinto_ Instagram
Isang maiksing video din ang pinost nito para ipakita ang ilan sa mga nangyari sa engrandeng oksayon. Ang video ay gawa at galing sa ‘Nice Print Photo’.
Binati rin ng mga netizens ang pamilya nito sa kanilang espesyal na araw.