Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, naghatid ng kilig habang nagbabakasyon kasama ang pamilya ni Matteo

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, naghatid ng kilig habang nagbabakasyon kasama ang pamilya ni Matteo

Anu-anong mga sitwasyon ba nakakapaghatid ng kilig sa iba ang isang couple? Maaaring sa date, pagbo-bonding, pagho-holding hands, at iba pa ngunit pwede ba na makaramdam ng kilig kahit na’y nasa kalagitnaan ng nakakatawang sitwasyon katulad na lamang ng prank?

Credit: @matteog Instagram

Kumakailan lamang, nagpunta sa beach ang pamilyang Guidicelli kung saan ay marami silang bonding moment katulad na lamang ng pagpa-prank ng nakababatang kapatid ni Matteo na si Paolo sa kanya kung saan ay nilagyan niya ng umang ang likod ng aktor dahilan kung bakit napapilipit ito sa s@kit nang nakagat.

Credit: @matteog Instagram

Sa video na ibinahagi ni Matteo sa kanyang Instagram account, mapapanood na hindi niya talaga napigilan ang paghiyaw dahil sa mas@kit na pagkagat ng umang sa kanyang likod. Kahit na’y namimilipit sa s@kit at napapahiyaw sa magkakaibang lenggwahe, hagikhik at tawa lamang ang ginawa ni Paolo dahil sa nakakatuwang reaksyon ng kanyang Kuya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Samantala, kaagad naman na nag-ala Superhero ang asawa ng aktor na si Sarah Geronimo dahil kahit na’y natatawa sa prank ni Paolo, sinubukan pa rin niyang tanggalin ang umang sa likod ni Matteo.

Credit: @matteog Instagram

Kalakip ng tawa at halakhak ng netizens, hindi naitago ng karamihan ang kanilang kilig dahil sa naging usapan ng couple.

“Take it off, love. I don’t want you to push. Tanggalin mo lang,” natatawang sabi ni Matteo kay Sarah habang sinusubukang kunin ng popstar ang umang.

Credit: @matteog Instagram

Maliban dito, marami rin sa netizens ang naaliw sa cute na reaction at response ni Sarah habang namimilipit sa sakit ang asawa.

“Oh no, Paolo…” sabi ni Sarah sa kapatid ni Matteo habang pilit na itinatago ang pagtawa. “Paolo, what did you do?”

Nakakatawa man ang naging reaksyon ng aktor sa video, nangibabaw naman ang nararamdamang kilig ng karamihan dahil sa reaksyon ni Sarah.

Credit: @matteog Instagram

Nitong mga nakaraan, medyo lowkey lamang ang mag-asawa ngunit patuloy naman sa pag-uupdate ang couple lalo na si Matteo sa bawat kaganapan sa kanilang buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!