Sarah Geronimo, inaming pamilya niya ang kanyang inspirasyon sa muli niyang pagyakap sa larangan ng musika

Sarah Geronimo, inaming pamilya niya ang kanyang inspirasyon sa muli niyang pagyakap sa larangan ng musika

Bago nakilala bilang isa sa mga phenomenal na aktres sa kanyang henerasyon ay una nating natunghayan si Sarah Geronimo bilang ang nag-iisang “Popstar Royalty” na hindi tayo kailanman binigo sa kanyang bawat performance dahil patuloy lang naman niyang hinihigit ang hininga ng karamihan dahil sa kanyang nakakamanghang pagpapasiklab ng talento sa pagkanta at pagsayaw.

Credit: @justsarahg Instagram

Sa tagumpay na nakamit ni Sarah G bilang isang multi-talented na celebrity, umabot na sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang kanyang kasikatan kaya nasa Pinas o nasa labas man ng bansa ang kanyang concert ay palagi talaga na crowded ang arena dahil sa sobrang dami ng kanyang fans at supporters.

Sa kabila ng kasikatang tinatamasa ni Sarah, nananatili naman siyang grounded at humble. Sa katunayan, wala talaga siyang sawa sa pagpapasalamat sa kanyang buong pamilya lalong-lalo na sa kanyang Mommy Divine dahil palagi umano itong nakagabay sa kanya. Sa maraming taon na pamamayagpag ni Sarah G sa industriya ng showbiz bilang isang performer at mahusay na aktres ay masasabi talaga na lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kanyang pamilya.

Sa dedication ni Sarah sa kanyang pamilya, sino nga ba ang mag-aakala na mauuwi ito sa hindi pagkakaunuwaan at ilang taon na animosity?

Credit: @justsarahg Instagram

Matatandaan nito lamang 2019 nang ibinunyag ni Sarah at Matteo Guidicelli sa publiko na nagkaroon sila ng pribadong wedding. Ayon sa balita, hindi umano ito alam ng pamilyang Geronimo na labis na sumugat umano sa damdamin ng kanyang Mommy Divine lalo na’t matatandaang napabalita lang naman na hindi umano bet ng ina ni Sarah si Matteo para mapangasawa ng kanyang anak.

Kalakip ng kasiyahan sa magandang balita na ito ng couple, kinailangan din ni Sarah na damdamin ang feelings ng kanyang pamilya sa isyung ito kung kaya’t mas pinili niyang manahimik na lamang muna pero sa paglipas ng mahigit dalawang taon ay sa wakas, naisipan na rin ng aktres na magsalita ukol dito.

Sa IG post ng aktres nito lamang Sabado, humingi siya ng kapatawaran sa kanyang buong Geronimo family dahil labis umano niya silang nasaktan dahil sa kanyang naging desisyon sa buhay.

Credit: @justsarahg Instagram

Maliban sa kanyang sinserong apology ay ibinahagi rin ni Sarah na ang kanyang Geronimo family umano ang kanyang inspirasyon sa pagbabalik niya sa larangan ng musika bilang ang “Popstar Royalty” na labis nating minamahal.

“Para sa inyo ang aking muling pagyakap at pagkakataon na muling makapagbigay ng saya at inspirasyon sa ibang tao. Nguni bilang isang anak at kapatid, para sa akin, ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayapaan sa ating mga puso ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang tagumpay at kaligayahan,” mensahe ni Sarah G.

Matatandaang 2020 nang nagkaroon ng break sa showbiz si Sarah Geronimo at sa kanyang pagbabalik, matutunghayan ang kanyang improvement sa bago niyang mga kanta na “Dati-Dati” at “Cure” na pareho ngayong pinagkakaguluhan ng netizens.

Ysha Red

error: Content is protected !!