Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inseparable na couple pa rin sa kanilang workout sesh

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inseparable na couple pa rin sa kanilang workout sesh

Kapag inlove, mahirap talaga na malayo sa piling ng isa’t-isa kaya hanggang maaari, kailangan talaga na magkasama sila sa halos lahat ng ginagawa katulad na lamang ng power at full of charisma na couple na si Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na kahit ilang taon namang nagsasama ay nananatili pa ring inseparable!

Credit: @sarahlahbati Instagram

Kung healthy na relationship lang naman ang pag-uusapan, tiyak na nangunguna sa listahan ang mag-asawang si Sarah Lahbati at Richard Gutierrrez. Sa matagal na panahon nilang pagsasama, napatunayan ng couple na nananatili silang inlove at consistent sa isa’t-isa dahilan kung bakit sobrang stable ng kanilang relasyon lalo na ngayong mayroon na silang dalawang anak na si Zion at Kai.

Abala man sa kanilang career at sa kanilang duties bilang parents, sinisigurado pa rin ng couple na nabibigyan nila ang kanilang sarili ng panahon at sapat na oras. Maliban sa kanilang intimate na dates, nakakapag-bonding din si Sarah at Richard sa kanilang workout sesh kung saan ay goal nilang ma-accomplish nang magkasama ang lahat ng exercises na kailangan nilang gawin.

Sa IG post ni Richard nito lamang nakaraang mga araw, mapapanood sa ibinahagi niyang video ang workout sesh nila ng asawa kung saan ay masasaksihang pareho silang sumabak sa iilang strenuous na activities katulad na lamang ng sit-ups, pagbubuhat ng weights at barbell, ladder running, push-ups, at marami pang iba!

Credit: @sarahlahbati Instagram

“Going all out together 🔥,” sulat ng aktor sa kanyang caption.

Kung akala ng karamihan ay tanging dates lamang ang paraan ng couple na magkaroon ng sariling moment o hindi kaya’y sumabak sa camping at iba pang adventure kasama ang kanilang mga chikiting, ginulat ni Sarah at Richard ang kanilang fans pati ang kapwa nila celebrities sa katotohanang magkasama rin pala ang couple sa pagpapanatili ng kanilang healthy at fit na katawan!

“Love this,” sabi ni Bubbles Paraiso.

Dahil sa nakakaantig na workout sesh ng couple, inspired din ngayon si Neil Arce na mag-switch ng gym dahil sa kanyang komento na, “Jan na din ako nagwoworkout lol”.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Isa namang series na “🔥🔥🔥🔥” at “👏👏👏” ang iniwang komento ng mga kapatid ni Richard na sina Ruffa Gutierrez at Raymond Gutierrez.

‘Yan ang power couple! Hindi lamang kilig ang hanap sa bawat dates dahil patuloy din sila sa pagpu-push sa kanilang mga sarili na magsilbing motivation na mapanatili ang healthy nilang pangangatawan.

Ysha Red

error: Content is protected !!