Sarah Lahbati, fierce-looking sa pinakabagong photoshoot!

Sarah Lahbati, fierce-looking sa pinakabagong photoshoot!

Wala talagang tao ang maaaring tawagin na “perfect” ngunit may iilan naman na nilalagpasan ang expectation at pinapataas ang standard sa isang larangan sa pamamagitan ng pag-achieve nila ng perfection sa kanilang sariling style at pamamaraan katulad na lamang ni Sarah Lahbati na nangunguna sa lahat ng magagaling at magagandang modelo sa lokal na industriya.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Bagama’t madalas man nating nakikita sa billboards, ads, o hindi kaya’y posters ang mukha ni Sarah Lahbati, hindi talaga nakakasawa ang kanyang beauty. Marahil ay natural lamang ito ngunit tila’y kakaiba ang impact niya dahil sa kanyang sariling istilo at pamamaraan sa tuwing nagpo-pose sa harap ng kamera.

Marahil ay marami ang nagsasabi na dahil ito sa kanyang paiba-ibang hairstyle o outfit ngunit hindi talaga maipagkakaila ang pagiging professional niya sa larangan ng pagmomodelo. Ilang beses na rin niya tayong napabilib sa ginawang photoshoots at sa bawat beses, magkakaiba talaga ang hatid niyang vibe at aura.

Nasa beach o studio man, matagumpay talaga na napo-portray ni Sarah ang nais na resulta ng crews sa likod ng photoshoot. Kadalasan, nalalagpasan pa nga niya ang inaasahang resulta ng mga ito.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa recent na post ni Sarah sa kanyang Instagram account, ipinasilip niya ang iilan sa mga magagandang larawang kuha mula sa ginawang photoshoot para sa isang lookbook.

Maliban sa outfit ni Sarah na sobra namang nag-complement sa kulay ng kanyang balat at bawat curve sa kanyang katawan, agaw-pansin din ang kanyang mahaba at straight na buhok.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Sa caption ni Sarah, mababasa ang “your hair is like a crown
wear it like a queen.”

Sa bawat larawang ibinahagi ni Sarah, matagumpay talaga niyang napanatili ang kanyang “fierce look” na sobra namang naaangkop sa vibe ng mismong photoshoot.

Credit: @sarahlahbati Instagram

Dahil sa magagandang resulta ng ginawang photoshoot, malaki naman ang pasasalamat ni Sarah Lahbati sa kanyang photographer na si BJ Pascual at sa coordination ng Cosmopolitan Philippines.

Ysha Red

error: Content is protected !!