Serena Dalrymple, ikwinento na sa dating app sila unang nagkakilala ng kanyang fiance

Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas naging komportable at magaan ang mga gawain natin sa araw-araw. Maliban dito, may marami na rin tayong options at choices at hindi lamang dito natatapos ang opportunity na dala ng makabagong panahon dahil kahit ang pakikipag-date ay maaari na rin nating gawin online!
Credit: @sdalrymple Instagram
Kung karamihan sa atin ay mas prefer ang personal na pakikipagkilala at pakikipag-date, may iba naman na mas gusto ito online. Of course, hindi naman lahat ng sumubok ay nagkaroon ng successful na kuwento sa paghahanap ng pag-ibig dahil marami rin ang nasawi at umuwing luhaan pero mayroon din naman na nakahanap ng tunay na pagmamahal sa dating app. Isa na sa winner sa life at sa Bumble ay ang 90’s child star na si Serena Dalrymple!
Matagal man na hindi nagparamdam sa kanyang Pinoy fans, muling naging sentro ng atensyon sa publiko si Serena Dalyrmple nang ibinahagi niya ang magandang balita na engaged na siya sa kanyang French boyfriend na si Thomas Bredillet.
Credit: @sdalrymple Instagram
At dahil matagal-tagal na rin matapos niyang nilisan ang showbiz at nawalan ng connection sa fans niya dito sa Pilipinas, marami talaga ang hindi nakakaalam sa kuwento sa likod ng relationship ngayon ni Serena at Bredillet kaya naman nang ibinunyag niya sa kanyang Instagram page kumakailan lamang kung saan at paano sila nagkatagpo ni Bredillet, marami ang nagulat at halos hindi makapaniwala.
“4 years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on bumble,” pagbunyag niya.
Kahit si Serena mismo, aminado na hindi niya inaasahan na ang lalaking nakilala niya sa Bumble ay siya rin palang makakasama at mamahalin niya sa habangbuhay.
Credit: @sdalrymple Instagram
Ayon sa kanya, “Who knew that I’ll end up marrying this handsome smart sweet (now) American dude this year? ❤️”
Dahil sa matagumpay at sweet na kuwento ni Serena at Bredillet na ipinagtagpo sa Bumble, marami ang nagpakita ng interes sa nasabing online dating app at isa na nga sa mga ito ay si Carlo Aquino na co-star niya sa pelikulang “Bata, Bata… Paano ka Ginawa?” noong taong 1998.
“Okay bumble,” komento ng aktor na tila ba’y kumbinsido siyang sumubok ng Bumble.
Credit: @sdalrymple Instagram
“@jose_liwanag online dating app success story,” reply naman ni Serena sa comment ni Carlo.