Seth Fedelin: “Kailangan ko bang bumili ng mamahaling sapatos para lang mapansin ako ng tao?”

Marami ng celebrities at iilang sikat na personalidad sa showbiz ang na-bankrupt dahil sa matindi nilang paggastos na lagpas pa sa perang kinikita nila kaya nakakahanga talaga ang mga artistang marunong mag-manage ng kanilang finances at alam kung saan at sa anong mga bagay napupunta ang kanilang kinikitang pera.
Credit: Ogie Diaz YouTube
Bagama’t isa man ngayon sa mga sikat na aktor sa kanyang generation, inamin ni Seth na malaki umanong tulong ang kinagisnan niyang buhay bago pa man niya pasukin ang mundo ng showbiz dahil nananatili umano siyang humble sa kabila ng kasikatang kasalukuyan niyang tinatamasa ngayon.
Sa solo na interview kasama si Ogie Diaz kumakailan lamang, ibinunyag ng aktor sa publiko na wala umano siyang luho sa katawan at wala umano siyang kahit anong interes sa mamahalin at materyal na mga bagay at hanggang maaari, patuloy umano niyang gagamitin ang nabili niyang SUV noong 2019 pa.
“Hindi ko pinapalitan. Hindi ko ikukumpara ‘yung sasakyan kong ‘yan. Ako ang may gawa niyan. Pinagpawisan ko ‘yan,” katwiran ng aktor.
Credit: Ogie Diaz YouTube
Pagkukuwento pa ni Seth, hindi umano sa pansarili niyang interes napupunta ang kanyang kinikitang pera sa pagtatrabaho dahil nakalaan na umano ito sa bawat pangangailangan ng kanyang pamilya at sa kanyang priorities.
“Iyong iba nakakabili kasi may trabaho magulang nila. ‘Yung pera nila kanila lang, solo lang nila. Ako ang pera ko pampaaral, pambayad sa bills ng bahay so lahat sa akin po talaga,” saad ni Seth.
Of course, may mga pagkakataon din na dinidiktahan siya ng karamihan pero naninindigan umano siya sa kanyang priniciples at bibili lamang kapag kailangang-kailangan na talaga.
Credit: Ogie Diaz YouTube
“May mga nagsasabi rin na dapat gamit ko ganyan, dapat ganito kasi artista ka, tinitingnan ka ng tao,” ayon sa aktor.
“Sabi ko, kailangan ko bang bumili ng mamahaling sapatos para lang mapansin ako ng tao? Kailangan ko bang bumili ng ganitong sasakyan para mapansin ako ng tao o mai-post ko sa Instagram na nakabili ako ng sportscar? Parang hindi eh. Hindi ako ganun.”
Sa patuloy pa niyang pagkukuwento, ibinahagi rin niyang tila’y namana niya ang katangiang ito sa kanyang parents na katulad niya ay hindi rin maluho o mahilig sa materyal na mga bagay dahil kuntento na umano ang kanyang nanay sa mumurahing bag sa tiangge pero dahil deserve nito ang magagandang bagay sa buhay, binilihan umano siya ni Seth ng branded na bag at relo noong nagkaroon ng concert tour ang ASAP sa San Francisco habang binilhan naman niya ng farm sa Cavite ang kanyang ama.
Credit: Ogie Diaz YouTube
Mahirap talaga ayawan ang materyal na mga bagay pero dahil minsan nang nakaranas ng kahirapan, sobrang disiplinado talaga ni Seth Fedelin kapag finances na ang pinag-uusapan.