Sharon Cuneta, napakagat-labi ng bongga matapos aksidenteng makabasag ng pinggan habang naghuhugas

Sharon Cuneta, napakagat-labi ng bongga matapos aksidenteng makabasag ng pinggan habang naghuhugas

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang ibinahaging video ni Megastar Sharon Cuneta, kung saan makikita siyang naghuhugas ng pinggan habang nasa set ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Ipinost ni Sharon sa kanyang Instagram account ang nasabing video kung saan nga ay mapapanood siyang masayang naghuhugas ng pinggan habang nakikipagkulitan sa kanyang mga kasamahan sa naturang teleserye.

Sa simula, aakalain mong sanay na sa paghuhugas ng pinggan ang actress-socialite at game pa siyang nakikipagbiruan sa kanyang co-stars. Ngunit laking-gulat ng mga kasamahan ni Sharon dahil pagkatapos niyang mailagay sa lalagyan ang unang pinggan na kanyang hinugasan ay bigla na lamang itong nadulas at nabasag!

Sa puntong ito, maririnig sa background ng video ang malakas na sigaw ng mga aktres na sina Ara Mina, Shaina Magdayao at iba pang co-stars ni Sharon.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Pero ang mas ikinagulat ng marami ay nang kagatin ni Sharon ang isang piraso ng pinggan na talaga namang lubhang delikado kung titingnan.

“Ayan nagpresinta maghugas ng plato. Di sinasadyang nakabasag! Ngee!!!!!” caption ni Sharon sa kanyang post.

Samantala, marami naman ang naaliw sa naging reaksyon ni Sharon matapos ang nangyari.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Kitang-kita kasing napakagat labi na lamang ang Megastar at tila humihingi ng pasensya na parang isang batang nagkasala batay sa kanyang reaksyon.

At hindi man buong nakita sa video ngunit kapansin-pansin ang mabilis na pagkilos ng mga kasamahan ni Sharon upang alisin siya sa harap ng lababo.

Sa huli, tuwang-tuwa nga ang maraming fans ni Megastar dahil sa kanyang napaka-cute na itsura matapos hindi sinasadyang makabasag ng pinggan.

Bukod naman sa mga nakakaaliw na komento, marami rin ang nagpahayag ng kanilang concern para sa Megastar dahil sa pagkagat nito sa isang piraso ng nabasag na pinggan.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Matatandaang noong nakaraang buwan ay pormal na ipinakilala si Sharon bilang ang pinakabagong cast ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na sa kasalukuyang may hawak ng record bilang longest-running action-drama series sa Philippine TV.

Sa kanyang pagbabalik sa teleserye, ipinahayag naman ni Sharon ang kanyang kasiyahan at pasasalamat sa mga bumubuo ng nasabing teleserye.

Pahayag niya, “I am very honored and proud to be part of FPJ’s legacy, FPJ’s ANG PROBINSYANO, on its 6th year as the number one show on television!”Thank you from the bottom of my heart to Mr. Coco Martin for thinking of me one sleepless night and making my character in the show whole. I cannot wait to work with all of you!!! Sana po abangan ninyo ang paganda ng pagandang FPJ’s ANG PROBINSYANO sa Kapamilya channel gabi-gabi!!! Maraming salamat po!!! And thank YOU Jesus for sending this my way. So excited!!!”

Ysha Red

error: Content is protected !!