Sikat na batang star noong 90’s, muling umingay ang pangalan sa kanyang latest na TikTok video

Sikat na batang star noong 90’s, muling umingay ang pangalan sa kanyang latest na TikTok video

Marami ang halos hindi makapaniwala nang muling nakita ng netizens ang dating batang star noong taong 90’s na si Goyong.

Credit: @iamclaudegoyong Instagram

Nadiskubre at nakilala si Goyong ng karamihan nang sumali siya sa kompetisyon sa “That’s My Boy” ng sikat na noontime show na “Eat Bulaga”. Dahil sa kanyang masiyahing personalidad, kaagad na nahulog ang loob ng netizens sa kanya.

Sa lahat ng mga batang sumali sa kompetisyon ng “That’s My Boy,” isa si Steven Claude Goyong sa mga bata na talagang umagaw at humakot ng atensyon ng netizens. Dahil sa kanyang ipinamalas na kahusayan, nagawa ni Goyong na manatili sa kabuuan ng kompetisyon.

Maliban sa pagiging bibo na bata ni Goyong kung saan ay pati mga judges at hosts ng “Eat Bulaga” ay kanyang napasaya, may talento rin siya pagdating sa pagsayaw.

Sa Grand Finale ng “That’s My Boy,” pinasaya ni Goyong ang lahat sa kanyang performance kung saan ay sumayaw siya sa magiliw na kantang “Pepito”. Mapapansin naman na kahit sa pagsayaw ay dala pa rin ni Goyong ang pabibo niyang personalidad dahilan kung bakit nakuha niyang muli ang pabor ng karamihan.

Credit: @levitiko_95.inc Instagram

Sa matagumpay na performance ni Goyong sa Grand Finale ng kompetisyon, itinanghal siya bilang first runner-up habang second runner-up naman ang kasama at naging kaibigan niya sa “That’s My Boy” na si John Paolo Caber.

Of course, naging patok ang nakakaaliw na sayaw ni Goyong noong kanyang kapanahunan dahilan kung bakit mas lalong tumatak sa memorya at damdamin ng mga tao si Goyong.

Credit: @iamclaudegoyong Instagram

Mahigit dalawang dekada naman ang nakakalipas simula nang huling nakita si Goyong sa telebisyon, may mga tao pa rin na nakakaalala sa kanya. Sa sikat na app na Tiktok, may isang netizen na nakakakilala pa kay Goyong na talaga namang ikinatuwa ng batang 90’s star.

“Hala big boy ka na Goyong! Isa ngang cha cha jan. Pepito, mi, corazon😂🥰😁,” komento ng isang netizen sa isang video na ibinahagi ni Goyong sa Tiktok.

Kaagad namang nagkaroon ng ideya si Goyong upang balikan ang memorable na pangyayari noong kanyang kabataan na talaga namang pinagkaguluhan ng netizens.

Credit: @iamclaudegoyong Instagram

Miyerkules, October 6 nang ibinahagi ni Goyong sa Tiktok ang video kung saan ay makikita ang sarili niya habang magiliw na sumasayaw sa kantang Pepito sa stage ng “Eat Bulaga” noong 1998 na inulit niyang muli ngayon na malaki na siya.

“@tyenilinkukubar pepito!!!! 🤣🤣🤣 kaya pa onte,” sulat ni Goyong sa kanyang caption.

Credit: @iamclaudegoyong Instagram

Sa ibinahaging video ni Goyong kung saan ay mapapanood ang pagre-recreate niya sa sayaw niya noong 90’s, hindi napigilan ng netizens na balikan ang nakaraan.

Ysha Red

error: Content is protected !!