Sikat na vlogger na si Cong, may epic na reaction nang nalamang baby boy si baby Kidlat!

Ang mga Mommy talaga ang nagiging emosyonal kapag anak na ang pinag-uusapan ngunit bibihira lamang na makita ang isang ama na nagiging emosyonal kaya naman talagang marami sa netizens ang na-hook nang natunghayan ang naging reaksyon ng sikat na vlogger na si Cong nang nalaman niya ang gender ng magiging anak nila ni Viy na kung tawagin nila bilang si baby Kidlat.
Credit: @viycortez Instagram
Sa ginanap na ‘Gender Reveal’ ni Cong at Viy kumakailan lamang kung saan ay nalaman nila at ng kanilang mga bisita na isa palang ‘Little Cong’ si baby Kidlat, hindi naitago ng ‘soon-to-be-father’ na si Cong ang nararamdaman niyang kaligayahan.
Nang umulan ng kulay asul na powder ang helicopter na nagpapahiwatig na boy si baby Kidlat, kaagad na tumalon at tumakbo si Cong upang ikutin ang field ng Palazzo Verde sa Las Piñas.
“Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon,” sabi ni Cong.
Credit: @viycortez Instagram
Dahil sa epic na reaction na ito ni Cong, hindi napigilan ni Viy na matawa habang nire-recall ang moment na ito ng asawa habang nasa biyahe sila sa ikalawang venue kung saan ang reception ng event.
“Alam mo, hinahanap ko siya kasi siya ‘yung ama eh pero nawala siya!” natatawang sabi ni Viy.
Credit: @viycortez Instagram
Dagdag pa niya, “Alam niyo, guys kung bakit sobrang epic? Kasi ‘nung nalaman kong boy, hinahanap ko si Cong. Hindi ko siya makita!”
“Sa sobrang tuwa ko, napatakbo ako. Sorry ha, naiwanan kita (Viy). Sobrang saya ko kasi talaga. Mababaliw ako ngayon,” sabi naman ni Cong kay Viy.
Credit: @viycortez Instagram
Nang dumating na sa reception at nagbibigay na ng speech, may touching naman na mensahe si Cong para kay baby Kidlat.
“Siguro ang message ko kay Kidlat, nakikita mo naman siguro ‘nak na napakaspecial mo kasi mapapanood mo ‘to 10 years, 15 years, 30 years from now makikita mo ‘tong video na ‘to and nakikita mo kung paano namin pinagdiwang ikaw,” mensahe ni Cong.
Credit: CongTV YouTube
Sabi pa niya, “Hindi ka pa lumalabas, siguro nakikita mo na kung gaano ka namin kamahal. Maraming maraming salamat kasi dumating ka at mukhang babaguhin mo ang buhay namin. I love you, Kidlat.”
Nasa sinapupunan pa man ni Viy si baby Kidlat, alam na alam naman ng lahat na magiging mahusay at responsableng Daddy si Cong.