Silipin ang napakaganda at napaka-cozy na kwarto ni Scarlet Kramer

Silipin ang napakaganda at napaka-cozy na kwarto ni Scarlet Kramer

Ang pagkakaroon ng sariling kwarto ay tila “dream come true” para sa marami. Kaya naman tuwang-tuwa ang celebrity siblings na sina Kendra at Scarlett, anak ng mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer, dahil finally, may kanya-kanya na rin silang kwarto. At siyempre, hindi pwedeng hindi nila ipasilip sa kanilang mga tagahanga ang kanilang mga kwarto.

Credit: Team Kramer YouTube

Lingid sa kaalaman ng lahat, 10 taon din na naghahati sa iisang kwarto sina Kendra at Scarlett bago sila nagkaroon ng sarili nilang kwarto. At bagama’t walang masama sa paghahati sa isang kwarto, lalo na kung ang paborito mo namang kapatid ang iyong kasama, pero sino ba naman ang hindi gustong magkaroon ng sarili niyang kwarto? Bukod sa magkakaroon ka nang sarili mong ‘space’, pwede mo rin itong disenyuhan base sa iyong ‘personality’ at ilagay dito ang iyong mga paboritong bagay at gamit.

Unang ipinasilip ni Scarlett ang kanyang kwarto sa mga netizen na mapapanood sa kanilang pinakabagong vlog na ipinost noong February 27.

Sa umpisa ng vlog, ikwinento ni Scarlett na ang kanyang bagong kwarto ay dating kwarto ng kanyang kapatid na si Gavin at binago nila ang “boyish” nitong disenyo para gawin itong “more of a girl’s room”.

Sinimulan ni Scarlett ang kanyang room tour sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang maganda at cozy na kama.
Ipinaliwanag naman ni Cheska na nagdagdag sila ng kurtina sa blinds mula sa lumang kwarto ni Gavin “to soften the room”.

“Before, it was just blinds, now we, the blinds are still there, but we have curtains now to soften the room,” ani Cheska.

Bukod sa pagdaragdag ng mga kurtina, binago rin umano nila ang kulay ng kwarto pati na rin ang pinto ng cabinet para bumagay sa personalidad ni Scarlett.

Credit: Team Kramer YouTube

“We chose a lot of organic furniture meaning, we used a lot of rattan and we used a lot of wood here to make it more cozy,” patuloy ni Cheska.

Sa pagpapatuloy ng kanyang room tour, ipinakita ni Scarlett ang kanyang marble desk kung saan siya madalas nag-aaral. Para ma-achieve naman ang gustong ‘feminine look’ ni Scarlett para sa kanyang kwarto, naglagay din sila ng napakagandang mirror sa taas nito.

Credit: Team Kramer YouTube

Maliban dito, may cabinet din si Scarlet sa kanyang kwarto kung saan nakalagay ang kanyang paborito snacks, at collectable toys.

Ibinahagi naman ni Scarlet na paborito niya sa kanyang kwarto ang kanyang chandelier habang inirereklamo niya ang kanyang napakataas na shower. 7-footer friendly daw kasi ito, paliwanag ni Doug.

Credit: Team Kramer YouTube

Samantala, nagsagawa rin si Scarlett ng isang walk-in closet tour kung saan ipinakita niya ang kanyang mga paboritong bag at sapatos, na kung hindi regalo sa kanya ng kanyang mga magulang ay hand-me-down item naman mula sa kanyang Ate Kendra.

Ysha Red

error: Content is protected !!