Silipin ang napakagandang bahay nila Sylvia Sanchez sa Quezon City

Silipin ang napakagandang bahay nila Sylvia Sanchez sa Quezon City

Mula noon magpahanggang ngayon, isa sa mga madalas nating pinapanood sa telebisyon man o sa social media ay ang mga house tour video ng mga sinusundan nating celebrity.

Credit: @sylviaasanchez_a Instagram

Hindi lamang kasi entertainment ang hatid ng mga house tour video na ito kundi pati na rin mga ideya kung paano magpatayo at magdisenyo ng bahay na magagamit natin kung tayo ay magpapagawa ng sarili nating mga bahay. Maliban dito, ma-iinspire rin tayo sa mga kwento ng mga hinahangaan nating artista na dumaan muna pala sa hirap at pagsubok bago nila nakamtan ang maginhawang buhay at pinapangarap nilang bahay. Gaya na lamang ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez.

Credit: @sylviaasanchez_a Instagram

Matagal na sa showbiz si Sylvia at nakilala siya ng mga manonood dahil sa kanyang mga dramatic at kontrabida role sa mga teleserye at pelikulang kanyang kinabibilangan. Noong 90s ay una nang pinahanga ni Sylvia ang lahat dahil sa kanyang galing sa pag-arte bilang kontrabida sa teleseryeng “Esperanza” kung saan nakasabayan din niya ang ilang pang mga magagaling na artista sa industriya. Matapos naman ang ilang taon, nanatili pa ring aktibo sa showbiz si Sylvia. Sa ngayon, isa siya sa mga tinitingala at respetadong aktres sa showbiz.

Credit: @sylviaasanchez_a Instagram

Samantala, isa sa mga bunga ng ilang taong pag-aartista ni Sylvia ay ang kanyang napakagandang bahay. Katuwang ni Sylvia ang kanyang mister na si Art Atayde sa pagpapatayo ng kanilang bagong bahay. Gaya ng ibang celebrity houses, kahahangaan din ang bahay na ito nina Sylvia at Art dahil sa simple ngunit eleganteng disenyo nito. Perfect din para sa magpamilya ang bahay na ito ni Sylvia dahil mayroon itong malaking espasyo at napaka-cozy pa.

Credit: @sylviaasanchez_a Instagram

Gayunpaman, ilang pagsubok muna ang dumating sa pamilya ni Sylvia bago nila naipatayo ang bahay na ito. Kabilang dito ang pagkasira ng kanilang dating bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Ondoy noong 2009.

Ang pinagdaanan naman nina Sylvia ang nagtulak sa kanila na lumipat ng bagong tirahan kung saan nga ay nasa mataas na lugar ito para hindi na maulit ang nangyari sa kanilang bahay na binaha noon. Matatagpuan ang bagong bahay na ito ni Sylvia sa Quezon City.

Tunay nga talaga ang kasabihan na kung may mawawala ay may bagong darating at sa pagkakataong ito ay mas matibay at mas maganda tulad na lamang ng tahanan ni Sylvia Sanchez.

Ysha Red

error: Content is protected !!