Silipin ang workout session ng mag-inang LJ Reyes at Baby Summer na naghatid ng good vibes sa marami!

Silipin ang workout session ng mag-inang LJ Reyes at Baby Summer na naghatid ng good vibes sa marami!

Naging instant workout buddy ng aktres na si LJ Reyes ang kanyang napaka-cute na bunsong anak na si Summer.

Credit: @lj_reyes Instagram

Matatandaang kamakailan lamang ay pina-w0w ni LJ ang marami nang mag-post siya ng ilang h0t at sexy photos niya kuha mula sa pagdalo niya ng prestihiyosong New York Fashion Week. Lingid sa kaalaman ng karamihan, lumipad si LJ patungong New York sa kasagsagan ng isyu ng hiwalayan nila ni Paolo Contis at kasama nga niyang umalis ang kanyang dalawang anak na sina Summer at Aki.

Credit: @lj_reyes Instagram

Sa mga larawan, ibang-ibang LJ ang nakita ng netizens mula sa napanood nilang umiiyak at bigong-bigong LJ Reyes sa panayam nito kay Boy Abunda. Fierce at looking fresh si LJ sa mga larawan suot ang kanyang all-black outfit. Komento nga ng marami, mabilis ang naging ‘glow-up’ ni LJ matapos masaktan dahil sa breakup nila ni Paolo.

Pagkatapos naman ng trending photos ni LJ sa NYFW 2021, sunod naman niyang ipinakita ang kanyang balik-alindog program kung saan ay kasama nga niyang nagwo-workout si Summer.

Ayon pa kay LJ, “back to regular programming” na siya ngayon matapos ang lahat ng nangyari.

Credit: @lj_reyes Instagram

Virtual workout sessions muna ang ginagawa ngayon ni LJ kasama ang kanyang fitness coach na si Dwan Abantao. Si Coach Dwan din ang nagbahagi ng mga video clip ng workout sessions nila ni LJ kung saan mapapanood ang cute na cute na panggagaya ni Summer sa kanyang mommy.

Credit: @lj_reyes Instagram

Mapapanood sa mga video si Summer na game rin sumabak sa pagwo-workout. Ibinunyag naman ni LJ sa kanyang Instagram story kung saan ni-repost niya ang post ng kanyang fitness coach na inaantok pa umano ang kanyang baby girl noong sinamahan siya nitong mag-workout.

“Yung antok ka pa pero adik yung kasama mo mag-workout! Pero game na game ka naman,” ani LJ sa kanyang IG story.

Credit: @lj_reyes Instagram

Talagang unti-unti nang nagre-‘recover’ si LJ mula sa kanyang failed relationship at kasa-kasama nga niya sa kanyang pagmo-move on ang kanyang mga anak.

Kaya naman proud ang marami sa katatagan ni LJ dahil hindi siya nagpadaig sa sakit at lungkot imbes ay patuloy siyang lumalaban at mas minahal pa ang kanyang sarili.

Credit: @lj_reyes Instagram

Ang pagsasama nina LJ at Paolo ay tumagal din ng 6 na taon bago ito tuluyang nagwakas ngayong taon. Inamin naman ni LJ na hindi ‘mutual decision’ ang paghihiwalay nila ng aktor.

Ysha Red

error: Content is protected !!