Simple at intimate na outdoor wedding ng couple na si Serena Dalrymple at Thomas Bredillet, patok sa netizens!

Simple at intimate na outdoor wedding ng couple na si Serena Dalrymple at Thomas Bredillet, patok sa netizens!

Bagama’t matagal na panahon naman ang nakalipas matapos ang paglisan ng dating batang aktres na si Serena Dalrymple sa kanyang buhay sa industriya ng lokal na showbiz, marami pa rin sa kanyang fans ang hindi nakakalimot sa pambihirang talento niya sa pag-arte na talaga namang pumupukaw sa ating damdamin sa tuwing natutunghayan natin siya noon sa telebisyon. Kahit na’y tuluyan naman niyang binitawan ang kanyang career, nananatili naman ang connection niya sa kanyang Pinoy fans sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng updates sa kanyang simple at ordinaryong buhay ngayon sa US.

Credit: @sdalrymple Instagram

Comedy o drama man, hindi talaga tayo kailanman binigo ng batang si Serena dahil matagumpay lang naman niyang nagagampanan ang kanyang roles. Maliban sa kanyang talento sa pagpapatawa at pagpapaiyak, madalas din na pinanggigilan ng mga manonood ang kanyang cuteness. Sa murang edad, masasabi talaga na nasa peak ng kanyang career bilang isang batang aktres si Serena pero sa kabila ng kanyang nakamit na tagumpay sa showbiz, mas pinili pa rin niyang magkakaroon ng simple at ordinaryong buhay sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya.

Sa paglipas ng panahon, maraming mga batang artista ang umaangat sa kasikatan pero tila’y wala talagang makakapantay sa “golden child star” noong 90’s na si Serena dahilan kung bakit marami talaga ang nakaka-miss at umaasang makita ulit siya sa Philippine TV pero sa kanyang updates sa social media, masasabi naman na contented at masaya na ang dating batang aktres sa buhay niya ngayon lalo na sa piling ng kanyang French-American boyfriend na si Thomas Bredillet.

Credit: @sdalrymple Instagram

Nito lamang nakaraang taon, matatandaang engaged na ang dalawa matapos ang apat na taon nilang pagsasama bilang couple at kumakailan lamang ay ibinahagi ni Serena na nakilala umano niya sa Bredillet sa isang dating app na Bumble. Makalipas ang ilang buwan ay ikinasal na ang dalawa at nagkaroon ng simple at intimate na wedding ceremony na ginanap sa Lake Winnipesukee sa New Hampshire kung saan sila kasaluyang nakatira.

Sa post ni Serena sa Instagram, masasaksihan ang iilan sa mga larawang kuha sa kanilang “outdoor wedding” kung saan ay makikitang sobrang nag-enjoy ang bagong kasal sa photobooth kasama ang kanilang malalapit na mga kaibigan. Maliban nito, makikita rin ang interactive na moments ng couple sa kanilang guests na labis namang pumatok sa netizens.

Credit: @sdalrymple Instagram

Sa magandang balita na ito sa buhay ni Serena, marami ang nagpahayag ng kanilang pagbati at kabilang na nga sa mga ito ay sina Shaina Magdayao at Carlo Aquino na kapwa niya dating mga batang artista.

Ysha Red

error: Content is protected !!