Small Laude, tinaguriang “Crazy Rich Mom” dahil sa kanyang nakakalulang yaman

Small Laude, tinaguriang “Crazy Rich Mom” dahil sa kanyang nakakalulang yaman

Kilala si Small Laude bilang isang influencer at entepreneur. Marami sa mga YouTube vlogs nito ay labis na kinaaliwan ng mga netizens dahil mapapanood rito kung paano mamuhay sa karangyaan. Bukod pa dito ay marami ang natutuwa kay Small dahil sa kanyang masayahing personalidad.

Credit: @smalllaude Instagram

Bata pa lang si Small Laude ay napapaligiran na siya ng mga kilala at bihasa sa negosyo. Ang pamilya nito ay matagal nang kilala sa ibat’t ibang negosyo tulad ng garment export, rice milling at rice trading. Ikinasal din ito sa isang business tycoon na si Philip Laude na kilala sa printing company at sa kanilang brokerage firm.

Makikita sa vlogs ni Small ang kanilang mala-resort modern mansion na may mamahaling furnitures, apat na hardin, elevator, salon, art collection at marami pang iba. Dahil sa laki ng bahay nila Small ay higit sampu ang kanyang mga yaya na madalas ding makita sa kanyang mga vlog.

Katulad ni Heart Evangelista, Vicky Belo, at Kris Aquino, hindi magpapahuli ang ating ‘crazy rich mom’ na si Small pagdating sa mga mamahalin at malaking koleksyon ng gamit.

Credit: @smalllaude Instagram

Manlalaki ang inyong mga mata sa dami ng koleksyon ng bag nito katulad na lamang nga mga mamahaling brands na Hermes at Chanel.

Kung nakafollow kayo sa social media account ni Small ay halos hindi na mabilang ang mga bansang napuntahan niya kasama ng kanyang pamilya. Mapa-Asia, Europe, o Amerika ay kayang bisitahin ni Small.

Credit: @smalllaude Instagram

Maraming kaibigan si Small na hindi nalalayo sa ‘life status’ nito. Ang mga taong ito ay katulad din ni Small na maimpluwensya at may kaya sa buhay. Ilan sa mga malapit na kaibigan ni Small ay sina Cristina Gonzalez, dating aktres at ‘former politician’, Korina Sanchez-Roxas, at ang sikat na celebrity doctor na si Dra. Vicky Belo.

Matuturing talaga na isa si Small Laude sa mga ‘crazy rich mom’ ng ating bansa at hindi maikakaila na mas dumadami pa ang kanyang mga followers dahil naipapakita niya sa publiko kung paano ang buhay ng isa Small Laude.

Ysha Red

error: Content is protected !!