Solenn Heussaff at Nico Bolzico, excited na sa itatayo nilang mas malaking bahay sa Alabang

Solenn Heussaff at Nico Bolzico, excited na sa itatayo nilang mas malaking bahay sa Alabang

Isa si Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa mga couples na talagang kinagigiliwan ng kapwa mga artista at mga fans dahil sa mga ‘relatable’ nilang moments bilang mag-asawa. Sinusubaybayan ng publiko ang pareho nilang social media accounts dahil sa kakulitan ni Nico at pati na rin ng mga nakakatawang pranks niya sa asawang si Solenn.

Credit: @solenn Instagram

Nito lamang May 21 ay nag-celebrate ang mag-asawa sa Ground Breaking ng kanilang dream house na itatayo sa Alabang sa tulong ng Mundo Design + Build.

Ayon kay Solenn, ang rason kung bakit magtatayo sila ng bahay na umano’y dream house nilang mag-asawa ay dahil sa mutual na desisyon nila ni Nico na magkaroon ng bahay na mas may maluwang na space para sa kanilang pamilya.

Credit: Mundo Design + Build YouTube

“I think it’s… you know when you settle down, and when you start having a child, you start thinking about bigger area, and an area where you won’t really need to go out often. So obviously, right now, we live in a house but we don’t have a garden so we really wanted to have our own place,” salaysay ni Solenn.

Credit: @solenn Instagram

“Since I was a kid, I’ve had this dream house and how I wanted things to be done so we decide to look for a lot, and to make sure that we have enough space for a garden,” dagdag ni Solenn.

Ayon naman kay Nico, talagang may matagal na silang plano na magtayo ng sarili nilang bahay.

Credit: @solenn Instagram

“So, we always thought about, okay. At one point of our life, we will build our own house and I think the whole situation where we are today plus of course having a baby plus you know, the right opportunity, and it came out and we are very very excited. This is the first time I’m gonna build— we’re gonna build anything in our lives,” sabi naman ni Nico.

Credit: @solenn Instagram

Ibinahagi naman ni Solenn kung gaano sila ka-excited magsimula at “to move in.” Ayon naman kay Nico ay “milestone” ang pagtatayo ng sariling bahay para sa isang mag-asawa.

Ayon sa hilig ng mag-asawa na mas gusto nila ang “simplicity” at hindi “over the top” ay inaasahan ng publiko na magiging ‘simply elegant’ ang kanilang itatayong dream house.

Taong 2016 nang ikinasal ang aktres at model na si Solenn Heussaff at ang Argentinian businessman na si Nico Bolzico. Taong 2020 naman nang ipinanganak ni Solenn ang una nilang anak na si Thylane Katana.

Ysha Red

error: Content is protected !!