Solenn Heussaff at Nico Bolzico, idinaan sa witty na pamamaraan ang pagre-reveal sa kanilang baby #2!

Solenn Heussaff at Nico Bolzico, idinaan sa witty na pamamaraan ang pagre-reveal sa kanilang baby #2!

Ano nga ba ang sikreto ni Solenn Heussaff at Nico Bolzico at bakit tila’y hindi sila nauubusan ng mga ideya? Kung perpektong pair lang naman ang pag-uusapan, tiyak na si Solenn Heussaff at Nico Bolzico na talaga ang nangunguna dahil sa kabila ng kanilang pranks at bardagulan moments, matagumpay pa rin nilang napapanatili ang kanilang healthy na relationship.

Credit: @solenn Instagram

Bukod dito, maayos din nilang nagagampanan ang kanilang responsibilities bilang mga magulang ni baby Thylane Katana. Kahit na’y may anak na ngayon, patuloy pa rin ang couple sa kanilang comedy katulad na lamang ng ginawa nilang revelation sa natanggap nilang pinakabagong blessing sa kanilang buhay bilang isang pamilya at ito ay ang pagbubunyag nila sa publiko kumakailan lamang na kasalukuyan ngayong ipinagbubuntis ni Solenn ang kanilang ikalawang baby.

Kamakailan nang nagbahagi ng isang video si Nico sa kanyang Instagram account kung saan ay successful nilang napaniwala ng kanyang asawa ang netizens na simple lamang silang nag-uusap sa isang cool na x-ray app. Unang sumubok si Nico at nang inilipat naman ang kanyang phone sa direksyon ni Solenn, makikita ang graphic ng isang fetus sa kanyang tiyan.

Credit: @solenn Instagram

“Wait, what?” gulat na tanong ng dalawa sa isa’t-isa matapos ma-scan ang baby sa sinapupunan ni Solenn. Dahil sa kanilang witty na pamamaraan ng pagre-reveal sa kanilang baby #2, marami sa kanilang kapwa celebrities at fans ang naaliw dahil hindi umano nila inaasahang may makikitang baby matapos i-scan si Solenn.

“Hahahahaha I love this!!!!! ,” sabi ni Anne Curtis.

Credit: @solenn Instagram

“Woah!” komento naman ni Juancho Trivino.

“Love this…best announcement! ”

“very creative talaga pagreveal. congrats ”

“Really cool announcement!! Congratulations Tili will be so happy!!”

Credit: @solenn Instagram

“Is it real? if its yes, so cute pregnancy announcement… LOVE IT ”

Sa ngayon ay 16 linggo nang buntis si Solenn sa ikalawang baby nila ng kanyang Argentine husband na si Nico kaya talagang todo ang aktres sa pagpapanatili ng kanyang healthy na katawan.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi niya ang kanyang mirror shot kung saan ay makikita siyang nakahawak sa kanyang baby bump.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

“Hello 16 weeks,” sulat niya sa kanyang caption.

“Back to daily injections for bub number 2.”

Ysha Red

error: Content is protected !!