Solenn Heussaff, ibinahagi ang kanyang pangarap noong kabataan days niya!

Kasabay ng ating pagma-mature ay ang pagkalimot sa mga pangarap natin noong mga bata pa lamang tayo marahil ay dahil kinakailangan nating maging practical at mas mag-focus sa mga bagay na nangangailangan ng ating buo at undivided na attention ngunit para kay Solenn Heussaff, tila’y wala siyang problema dahil maayos lang naman niyang naipagsasabay ang lahat ng mga bagay na gusto niyang gawin!
Credit: @solenn Instagram
Parehong kilala sa mundo ng lokal na showbiz ang magkapatid na Heussaff lalong-lalo na si Solenn Heussaff na kadalasang nakikita sa telebisyon at ipinapamalas ang kanyang husay sa pag-arte. Dahil sa kanyang tinatamasang kasikatan bilang isang celebrity, sino ba ang mag-aakala na minsan na pala niyang nagustuhan na i-pursue ang career na medyo malayo sa showbiz?
Sa interview ni Solenn kasama ang kanyang kapwa celebrity at mabuting kaibigan na si Bianca Gonzalez kumakailan lamang, napag-usapan ng dalawa ang naging journey ni Solenn bago niya naabot ang peak sa kanyang career kung saan ay ibinahagi niyang gusto niya maging fashion designer.
Credit: @solenn Instagram
“The original dream back then was to be a fashion designer. I only figured that out when I was… maybe just like 16,” pahayag ni Solenn.
Ayon sa kanya, noon pa talaga ay magaling na siya sa Arts at mahilig din siya sa pagkakaroon ng photoshoots kasama ang kanyang mga dating kaibigan kaya talagang malaki ang kanyang interes na maging isang fashion designer.
“I knew for sure I wanted to do something in the arts ’cause that’s what I excelled in school. When it comes to Math and History… complete fail,” saad ni Solenn.
Credit: @solenn Instagram
“Fashion designing came into my mind because I used to do shoots for my friends back then. I would be the photographer, I would style, and I would put a backdrop and everything so I thought ‘okay. Maybe the whole fashion industry is meant for me.'”
Sa pagbabalik-tanaw ni Solenn, tinanong niya ang sarili kung paano nga ba niya nasigurado na fashion designing talaga ang career na para sa kanya kung sa murang edad, wala pa siyang tunay na kaalaman kung ano nga ba ang nangyayari sa “real world”.
Credit: @solenn Instagram
Bukod sa kanyang interes sa fashion designing, malapit din ang puso ni Solenn sa makeup, prosthetics, pagpe-paint, at pag-arte kaya naman aminado siya ngayon na sa edad na 37, nahahati pa rin ang kanyang puso sa nabanggit na activities. Gayunpaman, hindi naman siya nakakaramdam ng pressure basta ba’t malaya niya lamang na nagagawa ang mga bagay na labis niyang pinagkaka-interesan.