Solenn Heussaff, naiyak sa muling pagkikita nila ng matalik na kaibigang si Carla Humphries

Solenn Heussaff, naiyak sa muling pagkikita nila ng matalik na kaibigang si Carla Humphries

Napa-tears of joy ang aktres-model na si Solenn Heussaff nang magkita muli sila ng kaniyang ‘long time friend’ na si Carla Humphries sa Paris. Sa Instagram post ni Carla makikita ang ang maiksing video kung saan nagtata-talon si Solenn sa saya ng makarating sa Paris at naiyak din ito ng makita muli ang mga matalik na kaibigan.

Credit: @solenn Instagram

“Zou bisou bisou Paris 2022,” caption ni Carla.

Nag-update din ng post si Solenn sa kaniyang instagram, may larawan ang dalawa sa balcony ng isang apartment kung saan pinakita niya ang baby bump nito.

“Been too busy living in the now we hardly take photos. Paris, je t’aime!” saad nito sa kaniyang post.

Ang aktres-model na si Solenn ay nagdadalang-tao ngayon sa pangalawang anak nila ni Nico Bolzico. Inanunsyo ng couple ang pagbubuntis ni Solenn noong July 4, 2022 sa isang Instagram post.

Credit: @solenn Instagram

Nagbahagi rin ng maiksing video si Solenn kung saan makikita ang magagandang tanawin at pasyalan sa Paris. Sinama rin nito ang ‘date night’ niya kasama ang mga kaibigan at pamilya.

“Snippets of Paris :)” ika niya sa video.

Masayang nagbakasyon ang aktres sa Paris at talaga namang enjoy na enjoy nito ang kaniyang ‘me time vacation’ kasama ang malalapit na kaibigan bago pa man ito manganak. Ang asawa nitong si Nico at ang cute nilang anak na si Tili ay nagbakasyon din sa Argentina upang bisitahin ang iba pang kapamilya nila. Dito pinanganak at lumaki ang asawa nitong si Nico.

Credit: @callmemadz Instagram

Sa updated post nito sa Instagram, sinabi nito na labis itong nag-enjoy sa kaniyang ‘solo time’ sa Paris.

“Thank you Paris! Needed this solo time (dont feel guilty when you do),” saad niya.

Ayon din sa aktres isang buwan na mula nung makita niya ang kaniyang mag-ama na siya ring nagbakasyon sa Argentina.

“Also been 1 months since I have seen the 2 loves of my life but happy they created amazing memories together and Tili got to know her Argentine side,” caption nito.

Credit: @callmemadz Instagram

Matapos nga ang ‘solo vacation’ nito ay masayang babalik muli ng Manila ang aktres at muling maghahanda sa pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Time to head back home and prepare for this new chapter with 2 bubbas!! Thank you life. :)” sabi nito.

Ysha Red

error: Content is protected !!