Struggles ni Jane de Leon bago makilala bilang si Darna, nagsilbing aral at inspirasyon sa karamihan!

Struggles ni Jane de Leon bago makilala bilang si Darna, nagsilbing aral at inspirasyon sa karamihan!

Wala talagang shortcut tungo sa tagumpay. Kahit na’y unfair man ang mundo dahil sa hindi magkakaparehong privileges na natatanggap ng mga taong hindi nanggaling sa parehong estado ng buhay, mas masarap naman sa pakiramdam kapag nakakamit ang success dahil sa sariling kayod katulad na lamang ni Jane de Leon na muling nagbigay ng inspirasyon sa karamihan na kahit malubak ang daang tinatahak, dadating din ang panahon na makakarating tayo sa ating destinasyon.

Credit: @imjanedeleon Instagram

Bago makilala bilang ang bagong Darna, sino nga ba talaga si Jane de Leon bilang isang aktres at bilang isang indibidwal?

Marahil ay marami ang hindi nakakaalam ngunit nanggaling pala sa mahirap at isang ordinaryong pamilya si Jane, walang kahit anong connections sa showbiz o kilalang tao na maaaring mag-push sa kanya tungo sa kasikatan. Sa pagkukuwento ng aktres sa kanyang buhay noong nag-uumpisa pa lamang siya sa kanyang career, dumaan umano talaga siya sa sandamakmak na auditions.

Kahit na’y mapalad man na mapabilang sa grupong “Girltrend” at ilang ulit din na sumasabak bilang isang extra, hindi dito natatapos ang struggles ni Jane dahil noong siya’y nag-uumpisa pa lamang sa pag-aartista, napakaliit lamang ng kanyang TF at bilang breadwinner ng kanyang pamilya, hindi talaga naipagkakasya ni Jane ang kinikita niyang pera.

Credit: @imjanedeleon Instagram

Sa isang interview kasama si Ogie Diaz, ikinuwento ni Jane na nagsimula umanong naghirap ang kanyang pamilya nang naloko ang business ng kanyang ama kaya sa murang edad, kinailangan talaga ng aktres na kumayod.

Pagkukuwento pa ni Jane, minsan na umano silang nakapag-ulam ng asin o hindi kaya’y toyong may mantika. May isang pagkakataon pa nga na kin@tay ng kanyang ama ang isang ligaw na manok upang maitawid lamang ang kanilang gutom.

Credit: @imjanedeleon Instagram

“Ginawa po niyang adobo. Ganu’n po kami ka-desperadong makakain ng araw na ‘yun,” sabi ni Jane.

Nakatira sa Laguna ang pamilya ni Jane kaya noong siya’y bago pa lamang sa showbiz, magastos talaga siya sa pamasahe kaya upang maipon ang pera, may mga pagkakataon na natutulog na lamang siya sa dressing room ng studio at sa gilid ng MRT kasama ang kanyang ina.

Bagama’t hindi man sang-ayon ang kanyang ama noon sa napiling career ni Jane dahil sa uncertainty, iginapang talaga niya ang kanyang pangarap na maging isang successful na aktres at makalipas nga ang mahabang panahon at struggles na kailangan niyang maranasan, sa wakas ay nakamit na rin ni Jane ang breakthrough na matagal na niyang inaasam.

Credit: @imjanedeleon Instagram

Bagama’t wala naman ngayon ang kanyang ama para masaksihan ang kanyang achievement, alam naman ni Jane na marami siyang na-inspire na magsumikap para maabot ang pangarap sa buhay!

Ysha Red

error: Content is protected !!