Sunshine Cruz, may bago na namang major na achievement sa life!

Kung may isa mang salita na makakapaglarawan kay Sunshine Cruz ngayon, ito ay ang “unstoppable” dahil wala lang naman ang makakapigil sa isang taong dreamer at achiever.
Credit: @sunshinecruz718 Instagram
Hindi lamang glam at fab ang naibibigay ng iniidolo nating mga celebrity momshie ngayon dahil nakakapaghatid din sila ng inspirasyon at motivation dahil kahit abala na sa duties at responsibilities na kaakibat ng pagiging isang ina ay importante pa rin na bigyang oras ang sarili pati na rin ang pagpapahalaga sa ating mga pangarap sa buhay.
Bilang isang ina, priority talaga natin ang kasiyahan at kapakanan ng mga anak gayunpaman, hindi dapat natin malimot ang mga pangarap na meron tayo para sa sarili katulad na lamang ni Sunshine Cruz na maayos na napagsasabay ang pagiging isang ina at pagiging isang dreamer ft. achiever!
Isa si Sunshine sa mga celebrity momshie na sinusubaybayan ng karamihan dahil maliban sa life niya sa showbiz, madalas din siyang nagbabahagi ng updates sa kanyang personal na buhay sa social media dahilan kung bakit marami talaga ang nakakaalam kung gaano siya ka-dedicated bilang isang ina. Bukod nito, patuloy din siyang nagbabahagi ng inspiring na posts katulad na lamang ng kanyang mga minor at major na achievements sa buhay na talaga namang nakakapagdulot ng motivation para sa kapwa niya momshies na nais din na isakatuparan ang kani-kanilang mga pangarap para sa sarili.
Credit: @sunshinecruz718 Instagram
Sa update ng aktres sa Instagram nito lamang Huwebes, February 16 ay ibinida niya ang kanyang bagong major na achievement at ito ay ang kanyang bongga at engrandeng bahay!
Sa mga larawang ibinahagi ng 45 taong gulang na celebrity momshie, makikitang sobrang spacious ng kanyang bagong bahay. Sa sobrang engrande nito, hindi na talaga kataka-taka kung umabot ito ng ilang milyong piso dahil kahit snippets pa lamang ang ipinakita ni Sunshine, masasabi na talagang sobrang bongga nito.
“🏠🙏❤️,” sulat niya sa kanyang caption.
Sa achievement na ito ni Sunshine, kaagad namang bumuhos ang pagbati at positibong mga komento mula sa kanyang kapwa celebrities at fans.
Credit: @sunshinecruz718 Instagram
“Excited for the housewarming shine!!!😍 😍 congratulations!!!” pagbati ni Ruffa Gutierrez.
“Wow! Congratulations sis!❤️ ❤️ ❤️ 😍,” saad ni Jen Sevilla.
“Congratulations sis! ❤️ 😍😘,” sey naman ni Ara Mina.
“Go Shine! So proud of you and happy for the fruits of your labor and love!😍,” sabi ni Maricel Pangilinan.
Credit: @sunshinecruz718 Instagram
“Wowoowow! Well done Shine!!! Congratulations 🎉,” ayon naman kay Teresa Loyzaga.
Hindi talaga maipagkakaila na kahit dumami man nang dumami ang baguhang mga artista ngayon ay mananatili si Sunshine sa tuktok ng kanyang career. Sa katunayan, muli natin siyang mapapanood sa upcoming teleserye na “Unbreak My Heart” kasama sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap, Gabbi, Garcia, at Joshua Garcia. Bukod nito, kaliwa’t kanan din ang kanyang bagong endorsements kaya sobrang abala talaga ngayon ni Sunshine pero gayunpaman, fulfilled naman siyang isa-isa na niyang naisasaktuparan ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Ngayong naisakatuparan na niya ang matagal na niyang pinapangarap na bahay, ano na naman kaya ang next?